Doktor iniligtas sa pamamagitan ng CPR ang sanggol na nangingitim na at hindi humihinga

Imahe pagmamay-ari ni Dr. Enrico Roa Elumba
  • Sinagip ng doktor ang babaeng sanggol sa pamamagitan ng CPR
  • Nahirapan ang ina na ilabas ang bata; dahilan upang ito ay mangitim at hindi na huminga
  • Malaki ang pasasalamat ng ina sa mga sumagip ng buhay ng kanyang anak kung kaya’t ipinangalan niya ito sa kanila

Matagumpay na nailigtas ng doktor  ang isang sanggol na inakala nang walang buhay.

Imahe pagmamay-ari ni Dr. Enrico Roa Elumba

Disyembre 27 nang magsilang ng sanggol ang 18-taong-gulang na ina sa La Castellana, Negros Occidental. Matapos isilang, idedeklara na sanang walang buhay ang babaeng sanggol dahil sa nangingitim na ito at hindi na humihinga. Ngunit lumabas ang doctor na si Dr. Enrico Elumba ng kanyang opisina at iniutos sa staff na gawin ang CPR o cardiopulmonary resuscitation.

30 minuto ang ginugol ng doktor sa mouth to mouth resuscitation sa sanggol nang himalang nakaligtas ito.

Ayon kay Dr. Elumba, nahirapang manganak ang 18-taong-gulang na ina na posibleng naging dahilan kung bakit hindi na humihinga ang sanggol pagkalabas nito.

“Kasi 18 years old pa lang ‘yung nanay, parang pinipigilan niyang lumabas ‘yung bata kaya hindi na nakahinga. Makikita na sana ang baby dahil lumalabas na ang ulo niya,” kuwento nito sa balita ng 24 Oras ng GMA.

Sa tuwa ng ina, pinangalanan niya ang sanggol na Enrica Paula hango sa pangalan ng doktor at isa pang medical staff na si Paul Abraham Cortez na tumulong mailigtas ang kanyang anak.

Imahe pagmamay-ari ni Dr. Enrico Roa Elumba

Umani naman ng papuri sa social media ang doktor dahil sa ginawa nito.

“Best ever doctor! Matiyaga, masipag at magaling na doctor ito! Very well done, doc! He is so much hardworking doctor. More blessings to come to you!”

“Thank you Doc for not giving up. You’re an angel. The baby is now alive because of your perseverance and help. Keep it up and may God bless you always. doc.”

Si Dr. Elumba ay dating nanilbihan na mayor ng tatlong termino sa munisipalidad ng La Castellana.

Loading…