Ganyan dapat! Netizens hinangaan ang mga batang isinama ang kanilang alaga sa paglilipat-bahay

Imahe via Marie Calanza | Facebook
  • Hinangaan ng mga netizens ang mga batang isinama ang kanilang alaga sa paglilipat-bahay
  • Pinaalala nito ang tunay na pagpapahalaga sa mga alaga na parte na ng ating pamilya
  • Samantala, alamin ang mga tips kung paano madaling makapag-adjust ang mga aso sa lilipatan

Ang responsibilidad sa ating mga alaga ay hindi kailan man matatapos kahit na sa mga malalaking desisyon sa ating buhay gaya ng paglilipat-bahay.

Imahe via Marie Calanza | Facebook

Tayo na ang kinilalang tahanan ng ating mga alaga kaya nararapat lang na kahit saan man tayo tumira ay isama rin natin sila.

Gaya na lamang ng larawang ibinahagi ni Marie Calanza sa Dog Lovers Philippines Faceook Page. Makikitang isang elf ang punong-puno ng mga gamit sa bahay. Mukhang ang biyaheng iyon ay papunta sa bagong tirahan. Ngunit ang mas kapansin-pansin ay ang mga batang nasa sasakyan kasama ang kanilang dalawang aso. Hindi nga iniwan ang mga bantay sa paglilipat-bahay.

Ikinatuwa ng mga animal lovers ang larawang iyon na nagpapatunay lamang ng pagpapahalaga sa mga hayop.

“Salamat kasi kapamilya ang turing ninyo kina doggie, love love n’yo, masama ninyo kahit lumipat kayu kahit saan.”

Hindi lamang ang mga bata ang sinaluduhan ng mga netizens kundi pati na rin ang mga magulang.

Komento ni Zephaniah Simone, “Nakakatuwa naman mga batang ito at thanks sa magulang nila isinama sila.”

Imahe via Dog Lovers Philippines | Facebook

Walang iwanan! Mga aso’t pusang nakasabit sa sasakyan, kasama sa paglilipat-bahay

Nagbigay naman ng payo si Elias Ibarra na dapat ay may tali raw at baka tumalon ang mga aso. Magdala na rin daw ng tubig at dog food. Mas maganda rin na mayroong trapal o payong para hindi sila mainitan.

Samantala, apektado rin ang mga hayop sa pagbabago ng kanilang kapaligiran. Ayon sa Movers, maaaring bisitahin ang paglilipatan kasama ang alaga isang araw bago maglilipat-bahay. Magdala ng kanilang lumang gamit imbes na bumili ng bago. Ang pamilyar na amoy nito ay makatutulong para madali silang makapag-adjust sa lilipatan.

Hayaan din dapat silang mag-explore sa bagong lugar. Maging kalmado dahil nababasa ng ating mga alaga ang ating emosyon. Bigyan din sila ng tamang atensyon at pagmamahal para mas mapabilis ang proseso ng kanilang pag-a-adjust.

Ang kuwentong ito ay magiging paalala sana sa mga nagbabalak na lumipat. Marami mang dumaan na pagbabago sa ating buhay, mananatili silang kapamilya sa hirap o ginhawa.

Loading…