Mommy sinabing posibleng magpalaki ngayon ng mga anak nang walang TV at gadgets: ‘We do’

Imahe via Parenting by His Grace | Facebook
  • Ibinahagi ng mommy vlogger na puwedeng mailayo sa TV at gadgets ang mga anak dahil ito mismo ay nagawa niya
  • Kailangang lamang bigyan daw ng ibang pagkakaabalahan ang mga bata

Malaking tulong ang TV at mga gadgets sa paghatid ng impormasyon na ating kinakailangan. Sa makabagong panahon, halos matatawag na itong isang “necessity”.

Imahe via Pixabay

Subalit ayon sa mga pag-aaral, ang matagal na screen time para sa mga bata ay magkakaroon ng hindi magandang epekto sa kanilang pag-uugali at paglaki. Kaya ang tanong: Kaya pa bang maiwasan ng mga anak ang paggamit ng TV at mga gadgets? Posible—-ayon sa isang mommy vlogger.

Ibinahagi nito sa kanyang FB page na Parenting by His Grace kung bakit wala silang TV sa bahay.

“Someone asked bakit daw wala kaming TV sa bahay. And he said buti na lang daw hindi kami ang naging magulang niya. We all laughed,” salaysay niya.

“I know it seems almost impossible to raise kids these days without TV, tablet and all. But we do, and look buhay pa naman sila kahit walang TV.”

Ano ang sikreto ni mommy? Ito ay ang pagbibigay ng mga aktibidad na puwedeng pagkaabalahan ng kanyang mga anak. “Possible naman. Kailangan lang mabigyan sila ng mga bagay na pagkakaabahan nila instead of letting the gadget do the job,”paglalahad niya.

Mahirap daw noong una lalo na kapag nasanay ang mga anak sa paglalaro ng gadgets ngunit masasanay din daw ang mga bata ngunit magiging sulit ang iyong pagsisikap na mailayo sila sa mga ito.

“Boredom will be your enemy at first, but later on boredom will become their friend, because it brings out and develop their creativity.”

Imahe via Parenting by His Grace | Facebook

Sa larawang kasama ng kanyang post, makikitang nagtutugtog ng gitara ang kanyang mga anak.

Samantala, inirerekomenda ng World Health Organization na iiwas muna sa gadgets ang mga batang may edad 0 hanggang dalawang taon.  Para sa 2-4 na taong gulang naman, hindi dapat lalagpas ng isang oras ang kanilang screen time.

Ngayong may pandemya kung saan exposed sa gadgets ang mga bata dahil sa online classes, isang hamon nga sa mga magulang kung paano nila pangangasiwaan ang screen time ng mga anak.

Ano sa tingin n’yo, mga mommies? Posible ba?

Loading…