OFW ginupit ang sariling buhok habang naka-live sa social media, netizens nagpahayag ng pag-aalala

Imahe via Canva
  • Ginupit ng isang OFW ang sarili niyang buhok nang maiksing-maiksi habang naka-Facebook live
  • Dumagsa ang mga komento ng pag-aalala ng mga netizens dahil mukhang may problema siyang tinatago at nangangailangan ng tulong
  • Iginiit naman ng OFW na wala siyang problema at masakit lang daw parati ang kanyang ulo kaya niya ginupit ang kanyang buhok

Maraming Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa sa hangaring umunlad ang kanilang buhay lalong-lalo na para sa mga anak at pamilya.

Imahe kuha mula sa video ni Diana Rose Balderama via Facebook

Ngunit kaakibat din nito ang pangungulila dahil sa layo at tagal ng panahon bago makauwi ng bansa. Isang hamon talaga ito sa tatag ng kalooban lalo na kapag may mga nababalitaang problema at minsan ay wala rin silang mapagsumbungan.

Maaaring ito ang naging dahilan upang gawin ng isang OFW ang hindi pangkaraniwang bagay na ini-live pa niya sa Facebook. Enero 2, makikitang ginugupit ni Diana Rose Balderama ang kanyang buhok sa harap ng camera.

Ang tanging sinasabi lang niya na dahilan kung bakit niya ginagawa iyon ay dahil parati raw sumasakit ang kanyang ulo at baka ang mahaba niyang buhok ang dahilan.

Lampas 20 minuto nagtagal ang video ni Diana hanggang sa matapos niyang gupitin nang maiksing-maiksi ang kanyang buhok.

Nag-alala ang mga netizens at nanawagan sa mga nakakakilala sa kanya na tulungan siya dahil mukhang ito ay may problema.

“Anybody, knows her? Please she’s seeking attention & help! Sino nakakakilala, friends and relatives? She needs medical advice. Mental Heath is very important,” komento ng isang netizen.

Ngunit pinanindigan ni Diana na wala siyang problema at hindi kailangang mag-alala para sa kanya.

Imahe via Diana Rose Balderama | Facebook

“Wag kayong mag-alala po sa akin. Sorry ah kung nai-live ko ang paggugupit ko. ‘Di ko akalain na mag-iisip pala kayo nang ‘di maganda. Sorry talaga. Salamat sa pag-alala pero sinasabi ko ang totoo wala me problema. Everything’s ok!” pahayag niya sa social media.

Enero 5, dinala siya ng kaibigan sa isang parlor upang ipa-makeover ang hindi maayos na pagkakagupit ng kanyang buhok. Inilabas niya ulit sa pamamagitan ng Facebook live ang buong kaganapan.

Narito ang kanyang video.

Kung tayo ay may kakilala, kaibigan o kamag-anak na may mga kakaibang kinikilos, huwag natin silang pabayaan. Ang mga taong ganito ay nangangailangan ng makakausap at atensyon bago pa man maging huli ang lahat.

Source :

Facebook

Loading…