May-ari ng online shop nakapulot ng nahulog na package, humingi ng tulong sa publiko upang mahanap ang rider

Imahe via Vintage Mooma | Facebook, Imahe via Canva
  • Nahulog ang package na karga ng rider dahil sa mabilis nitong pagpapatakbo
  • Pinulot ito ng may-ari ng online shop at ipinost ang larawan sa social media
  • Nais nitong makarating sa rider ang post upang maibalik niya ito

Malaki ang ginagampanang papel ng mga riders sa paghahatid ng mga orders ng mga buyers kaya kailangang maging maingat sila sa pagdadala ng mga ito.

Imahe via Pixabay

Subalit may mga pagkakataong hindi sinasadyang mahulog ang package habang nagmamaneho. Mabuti na lang, napunta rin ito sa mga tapat na tao na gagawa ng paraan upang maibalik ito sa rider.

Isa sa mga nakapulot ng package ang may-ari ng Vintage Mooma, isang online dress shop. Ikinuwento niya sa Facebook na pauwi na raw sila noong Enero 26 ng gabi at bumibiyahe sa kahabaan ng Roxas Blvd nang makita nilang nalaglag ang isang box mula sa likod ng rider. Napansin nilang mabilis ang pagpapatakbo nito at baka ito ay dahil may hinahabol na oras.

Kinuha ng may-ari ng shop ang nahulog na karton at ibinahagi nito ang larawan sa social meida. Nag-aalala siya sa rider dahil nahulog ito sa motor nang hindi niya alam at tiyak na ang rider ang mananagot dito. Sa katunayan, noong una ay sinubukan nilang habulin ang rider ngunit hindi na nito kinaya dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito. Binagalan na rin nila ang pagpapatakbo at baka bumalik ang rider ngunit nabigo sila.

Imahe via Vintage Mooma | Facebook

Sa larawang ipinost niya sa Facebook, makikitang naka Chinese characters pa ang mga detalye sa sticker ng box kaya hindi rin nila ito maintindihan. Hangad na lamang ng nakapulot na matunton ng rider ang kanyang post upang maibalik ito.

“Kung asa’n ka man kuyang rider, chat ka lang,” panawagan ng may-ari ng Vintage Mooma sa social media.

Hanggang ngayon ay wala pa rin daw kumokontak sa kanya tungkol sa package.

Sana’y sa tulong ng social media, makarating ito sa rider o sa patutunguhan ng package upang maibalik na ito dahil baka ang laman nito ay napakahalaga.

Panoorin ang nakuhang video ng kanilang dashcam sa sasakyan.

Click image to see video
Source :

Facebook

Loading…