Pag-aaruga ng anak sa inang may sakit kinaaantigan sa social media: ‘Hindi kita ikinahihiya’

Imahe kuha mula sa video ni Ara Castillon Ranque via Facebook
  • Isang video ang kinaaantigan sa social media dahil ito ay halimbawa ng tunay na pagmamahal ng anak sa kanyang ina
  • Nagpahayag ng damdamin ang anak na kahit ganito ang nangyari sa kanyang ina ay hindi niya ito ikahihiya
  • Humanga ang marami sa kanya at umasang sana balang araw ay malalampasan nila ang pagsubok

Hanggang saan ba ang kaya mong gawin para sa iyong mga magulang? Handa ka bang pagsilbihan sila kapag darating ang oras na kailangang-kailangan ka nila?

Imahe kuha mula sa video ni Ara Castillon Ranque via Facebook

Isang video sa social media ang nagpapatunay ng totoong pagmamahal ng anak sa kanyang inang nagkasakit.

“Pinost ko ‘tong video na ‘to para maging aral sa mga kabataan ngayon na hindi hadlang ang bawat pagsubok sa buhay..” ito ang pambungad ni Ara Castillon Ranque sa kanyang post.

Sa video, masasaksihan kung paano inaruga ni Ara ang kanyang ina. Pumasok siya sa isang maliit na silid at pinakain, pinaliguan at binihisan ang magulang. Sa bandang huli, niyakap niya ang ina at mapapansing naging emosyonal siya sa pakikipag-usap dito.

“Ginawa ko to para maging aral sa bawat isa sa atin. Kahit [sa] ganito[ng] paraan ibinigay ko ang aking best para masupportaan ko ang aking ina.”

Ganito man ang naging sitwasyon ng kanilang pamilya, hindi niya ito ikinahihiya.

“Kahit ganito ang sitwasyon ng aking ina hindi ko ikinahiya dahil siya nagbigay ng liwanang at inspirasyon sa aking buhay upang magawa ko ang aking pangarap at makamtan niya ang buhay na labas sa kahirapan.”

I-CLICK ang imahe para sa video ni Ara Castillon Ranque via Facebook

Libu-libo ang naantig sa kanyang pagpapahayag ng damdamin. Karamihan ay humanga sa kanyang pag-aalaga. Marami rin ang nagpalakas ng kanyang loob at umasang balang araw ay malalampasan nila ito at gagaling ang kanyang ina.

“Sana lahat ng anak kagaya mo na sobrang mapagmahal sa magulang. Napakapalad ng mama mo kasi ikaw ang naging anak niya. Pagpalain ka pa sana ng Poong Maykapal sa iyong kabutihan,” kumento ni Realyn Mantes Balongcas sa kanyang post.

Inupload ni Ara ang kanyang video noong Enero 11 at humakot na ito ng mahigit 435k reactions, 85k comments at 244k shares.

“Tandaan mo mahal na mahal kita walang makatumbas sa iyong pagmamahal,” dagdag pa ni Ara.

Ikaw? Gaano mo ba kamahal ang iyong mga magulang?

I-CLICK ang imahe para sa video ni Ara Castillon Ranque via Facebook
Source :

Facebook

Loading…