
- Ikinabubuh
ay ng isang pamilya sa Laguna ang paglalala ng sambalilo at bag - Subalit nang magkapan
demya, pansamantalang humina ang kanilang pinagkakakitaan - Muli silang nakabangon nang nilapitan sila ng may-ari ng restaurant upang magpagawa ng tampipi para sa kanilang pizza
Sa sipag at tiyaga at kahit na may pandemya, napanatili ng isang pamilya sa Laguna ang paglalala na isang tradisyunal na kabuhayan.

Binisita ng programang Iba ‘Yan ng aktres na si Angel Locsin ang pamilya ni Henry Racoma, 52. Katulong ang asawa na si Agnes, 62 at ng anak na si Aira, ikinabubuhay nila ang paglalala ng sambalilo at bag.
Ang paglalala ay isang mahabang prosesong nangangailangan ng pasensya at tiyaga. Pumupunta pa sa kagubatan ang mag-asawa upang manguha ng pandan. Pagkauwi, agad nililinis ang mga dahon at binubulay. Pagkatapos, inilalatag ito sa may sikat ng araw upang matuyo. Dahil matigas pa ito, idinadaan muna ito sa ilohan upang lumambot bago ito gagawing sambalilo o bag.
Naitataguyod ni Henry ang kanyang pamilya sa kabuhayang ito, subalit noong nagkaroon ng lockdown, hindi sila makapagbiyahe kaya naging hamon sa kanila ang pagbebenta ng mga produkto.
Kaya isang biyaya talaga na nakilala sila ng may-ari ng isang pizza restaurant na si Denise Porca dahil nagkaroon sila ng oportunidad na kumitang muli. Si Denise ay naghahanap noon ng alternatibong lalagyan ng kanyang pizza kung saan saktong sakto ang materyales sa produkto ni Henry dahil ito ay maaaring gamiting muli, nabubulok at eco-friendly.
Nagpagawa si Denise ng tampipi na siyang lalagyan ng pizza.Dahil nagustuhan niya ang sample na ginawa ni Henry, sunud-sunod na ang naging mga orders nito. Mas malaki raw ang kita sa tampipi, ayon sa asawa ni Henry.

Subalit may mga gustong bumili sa kanila na hindi nila kayang pagbigyan dahil wala silang sasakyan. Mas gusto raw kasi ng mga customers na ihatid sa kanila ang mga produkto. Dahil dito, hinandugan sila ng programa ni Angel ng motor na may side car para may magagamit na sila sa paghatid ng mga orders. Nagbigay din si Aira ng tablet para sa kanyang online class.
Masayang-masaya ang pamilya ni Henry. Bukod kasi sa tulong nito sa kanilang pinagkakikitaan, lalo nilang maipagpapatuloy ang tradisyon ng paglalala na unti-unti na raw na nawawala. Hangad din nila na maipagtapos ng pag-aaral ang anak upang hindi na nito danasin ang mga pinagdaanan nilang hirap.
Kaya sa mga gustong umorder kay Henry, bisitahin lamang ang kanyang Facebook page, R.A Pandan Products.
Panoorin ang buong episode dito.
Samantala, pizza box na yari naman sa dahon ng niyog ang ginagamit ng isang restaurant sa Siargao Island. Ang Aqwa Siargao ang unang restaurant sa Siargao Island na gumamit ng eco-friendly pizza box. Ang galinjg, ‘di ba?
Basahin: Eco-friendly pizza box na yari sa dahon ng niyog gamit ng isang restaurant sa Siargao