Mani vendor na gumagamit ng sirang bisikleta sa paglalako makatatanggap ng bago mula sa isang online bike shop

Imahe via SIKAD TA BAI | Facebook, Imahe via Franklin Ramos Mariscal | Facebook
  • Kumalat sa social media ang larawan ng nagbebenta ng mani kasama ang kanyang aso at gamit ang sirang bike sa paglalako
  • Dumagsa ang gustong magpaabot ng tulong dahil nahabag sa kanyang kuwento kasama na ang isang online bike shop
  • Nangako ang bike shop na magbibigay ito ng bago para maging komportable na sa paglalako ang mani vendor kasama ang aso nito

Ika-8 ng Enero nang ibinahagi ni Franklin Ramos Mariscal ang kuwento ng mani vendor sa Cebu na gumagamit ng sirang bike sa paglalako.

Imahe via Franklin Ramos Mariscal | Facebook

Dumagsa ang tulong ng mga netizens dahil sa pagkaantig sa istorya ni tatay at pati na rin sa aso na kasama nito. Isa sa mga nangakong magbibigay ay ang Sikad Ta Bai—–isang online bike shop.

Enero 15, naglabas ng update ang bike shop sa kanilang social media account. Sa pakikipagkita ng may-ari sa vendor, lalo pang nadagdagan ang impormasyon kay tatay.

Siya pala si Sisoy at “puppy love” naman ang tawag nito sa kanyang aso. Si Sisoy ay dating security guard sa Badian ngunit nagpasyang tumigil sa trabaho at nagdesisyong magpatayo ng maliit na negosyo at ito ang kanyang mani na binebenta ngayon.

Imahe via SIKAD TA BAI | Facebook

Nag-iisa na lamang siya dahil wala na ang kanyang mga magulang at wala rin daw siyang mga kapatid. Ito ang dahilan kung bakit malapit siya sa kanyang aso. Wala rin siyang bahay na tinutuluyan. Sa isang larawan, sa gilid lamang ng kalsada natutulog si Sisoy gamit ang payong pantakip sa kanya.

Matapos malaman ng Sikad Ta Bai ang kanyang sitwasyon, nagpasya silang mag-donate ng bagong bike kay Sisoy.

“His new trisikad from SIKAD TA BAI, will be used for his small business for his rolling store and will be his shelter too since he has no house to sleep.”

Imahe via SIKAD TA BAI | Facebook

 

Tatay na kasama ang aso sa paglalako ng mani dinagsa ng tulong dahil sa sirang bike na gamit nito

Hindi lang pala isang simpleng bike ang ipinangako nito ngunit may kasama na ring sikad para mas maging komportable ito para sa kanyang aso at may mahihigaan din siya.

Bukod sa tulong sa kanya, may sumagot din sa pagpapabakuna ng kanyang aso. Isang linggo mula ngayon, ihahatid na ng shop ang bagong bike ni tatay.

Malaking tulong talaga ang ginawang pagbahagi ni Franklin sa social media. Maging si Franklin ay nakalikom din ng pondo kung saan ibinili nito ng mga groceries si tatay at pangangailangan ng kanyang alaga. Naihatid nila ang tulong noong Enero 11.

Abangan natin ang paparating na bagong bike ni Sisoy dahil ito ay ginawang espesyal para lang sa kanya!

Loading…