Prinsipal nakakolekta ng halos dalawang libong stuff toys sa paglalaro sa arcade

Imahe via Kapuso Mo Jessica Soho | Facebook
  • Bida ang isang principal sa South Cotabato dahil halos dalawang libong stuff toys ang kanyang naipon sa paglalaro sa arcade
  • Sa sobrang dami ng kanyang koleksyon, ikinabit na niya sa kisame ang iba
  • Kakaibang thrill daw umano ang hatid nito sa kanya kaya nagpupunta siya sa arcade kapag walang pasok

Minsan ka na bang nakakuha ng stuff toy sa claw machine? Ang hirap maka-jackpot, ‘di ba?

Imahe via Kapuso Mo Jessica Soho | Facebook

Ngunit sa ibinahaging kuwento ng Kapuso Mo Jessica Soho, isang 48 anyos na lalaki mula sa Banga, South Cotabato ang magaling sa pagbingwit ng mga toys sa claw machine. Kada laro,  hindi umano bababa sa sampu ang naiuuwi niya. Kaya ang resulta, umabot na sa halos dalawang libong toys ang naiipon niya.

Siya si Randy Pendilla, isang prinsipal mula sa Rotonda National High School. 2009 pa nang magsimula siya sa paglalaro sa arcade.

Paano nga ba siya natuto? Tinuruan daw siya ng kanyang estudyante.

Ilang taon ang lumipas at unti-unti niyang napuno ang dalawang cabinet. Subalit nang magkulang na ang kanyang paglagyan, naisipan niyang ikabit ang mga ito sa kisame.

Nilalagyan niya ng string ang stuff toy at isinasabit ito sa kisame.. At dahil sa may 1,500 na pirasong stufft toys na ang nakatago sa kanyang bahay, nagiging atraksyon na ito. Namamangha ang kanyang mga bisita at sila ay nagpapa-picture sa pambihirang kolesyon ni sir.

Nagbibigay rin naman daw siya sa mga nanghihingi. Minsan din niyayaya niya ang mga batang maglaro sa bahay niya.

Ayon sa isang eksperto, ang pagkahilig ni Sir Randy sa paglalaro nito ay maaaring may pinag-ugatan. Posibleng nagkaroon siya ng deprivation sa ilang bagay noong bata siya kagaya ng laruan.

Imahe via Kapuso Mo Jessica Soho | Facebook

Mag-isa lang din siya sa buhay kaya mga anak na halos ang turing niya sa mga stuff toys. Alagang-alaga niya ang mga ito. Pinupunasan, tinatanggal ang alikabok at tinatahi pa kapag may natastas.

Umabot na sa halos P100,000 ang kanyang nagastos sa ilang taong pag-a-arcade. Kakaibang thrill umano ang ibinibigay nito sa kanya. Ngunit nilinaw din ni sir na hindi siya pumapasok sa arcade kapag may klase. Naglalaro lamang siya rito sa tuwing Sabado at Linggo.

Ngayong may pandemya, muli nang bubuksan ang ilang arcades. Para sa ating mental health, mabuti ring mag-relax at mag-enjoy minsan ngunit laging tandaan na ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan.

Panoorin ang kanyang kuwento sa KMJS dito.

Source :

Facebook, YouTube

Loading…