Babaeng nakaladkad ng tren nang sagipin ang alaga nakauwi na matapos ang dalawang buwan sa ospital

Imahe via Pawssion Project | Facebook
  • Muli nang nakapiling ni Rachelle ang kanyang asong si Buddy nang makauwi matapos ang dalawang buwang pagpapagaling sa ospital
  • Si Rachelle ang babaeng nakaladkad ng tren nang sagipin niya ang kanyang asong pumunta sa direksyon nito
  • Tingnan ang mga larawan  ng kanyang welcome home event kung saan si Buddy ang may pinakamatamis na ngiti sa lahat

Sa wakas, matapos ang matagal na panahon ng pagpapagaling sa ospital, nakauwi na rin si Rachelle, ang babaeng nakaladkad ng tren nang tinangka niyang sagipin ang kanyang aso.

Imahe via Pawssion Project | Facebook

Ito ang masayang ibinalita ng Pawssion Project sa kanilang FB Page.

“SHE’S NOW HOME WITH HER FAMILY AND THEIR FUR BABIES. She was finally discharged today after several surgeries and ICU confinements and after around 2 months at the hospital. Through everyone’s kindness and fervent prayers, we all helped save a life!!“

Ilang larawan din ang in-upload nito at makikitang napakasaya na ulit ni Buddy at pati ng isa pang alaga ng dalaga. Siyempre, kabilang din ang pamilya ni Rachelle sa mga nagdiwang sa kanyang pag-uwi.

Tuwang-tuwa rin ang mga netizens na nakasubaybay sa kanilang kuwento. Ipinarating nila sa comment section ang kanilang reaksyon.

“Thank God for your reunion. May God continue to sustain you with good health and provide for all your needs. So touched, ang happy ni Buddy to see you again, Rachelle.”

Imahe via Pawssion Project | Facebook

“We are so happy for you, Rachelle, that you have recovered and Buddy. You are so lucky to have such a nice hoooman who loves you so much. Hope we can also find loving hoomans and loving homes one day.”

Basahin: Dalaga iniligtas ang alagang aso sa paparating na tren

Enero nang makaladkad si Rachelle ng tren sa may Sta. Mesa, Maynila. Tinangka niyang sagipin ang kanyang asong nakita niyang papunta sa rumaragasang tren. Nakaligtas ang aso ngunit siya ang napuruhan. Nagtamo siya ng pinsala sa katawan kung saan kinailangan niyang dumaan sa surgeries para malagyan ng bakal ang kanyang balakang.

Imahe via Pawssion Project | Facebook

Nairaos naman ng pamilya ang lahat ng gastusin matapos dumagsa ang tulong mula sa kumpanya ng tren, mga concerned citizens, media at ilang indibidwal na nagsagawa pa ng fundraising para sa pagpapagamot niya.

Habang nasa ospital siya, napabalitang naging matamlay at nawalan ng ganang kumain si Buddy. Masyadong kasi malapit ang dalawa.

Ngayon, napagtagumpayan din nila sa wakas ang mga pagsubok. Nagbigay man ito ng aral sa kanila na maging maingat, at inspirasyon naman ang hatid nito sa lahat ng nag-aalaga ng hayop.

Maligayang pagbabalik, Rachelle!

Loading…