Doktor may reaksyon sa mga ayaw magpabakuna, ‘Nagpapa-inject nga kayo ng over2x na gluta’

Imahe via Coy Nunez | Facebook
  • Marami ang takot magpabakuna laban sa COVID na maaaring dulot ng naging isyu ng Dengvaxia
  • Ngunit iginiit ng isang doktor na nagpapa-inject nga raw ang mga ito ng glutathione na ‘di naman FDA approved
  • Alamin kung anong mga bakuna ang aprubado na ng FDA sa Pilipinas

Nagsimula na ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa ibang bansa.

Imahe via Coy Nunez | Facebook

Sa Pilipinas, inaasahang darating sa kalagitnaan ng taon ang mga biniling bakuna. Subalit hati ang publiko sa opinyon kung tatanggapin nila ito o hindi.

Nauna na kasing nag-alanganin ang iba noong nagkaroon ng kontrobersya ang dengue vaccine na Dengvaxia. Nakita sa pag-aaral na maaaring magkaroon ng malubhang dengue ang mga naturukan na hindi pa nagkakasakit nito.

Dahil dito, nagpalabas ng saloobin ang isang doktor na si Coy Nuñez sa social media.

“Nagpapa-inject nga kayo ng over over na gluta na hindi FDA approved. Tapos vaccine na FDA approved ayaw n’yo? Charot!”

Umabot ng 1.8k shares ang post na ito na tunay namang naglalarawan sa paggamit ng injectable glutathione ng mga Pilipino.

Sa pagsasaliksik ng Kicker Daily News, nagpalabas ng public advisory ang Philippine Dermatological Society noong Nobyembre 2018 patungkol sa paggamit ng glutathione bilang “skin whitening” agent. Una, walang kahit anong injectible glutathione sa buong mundo ang na aprubahan ng FDA bilang pampaputi dahil hindi sapat ang mga pag-aaral na magpatunay na nakapuputi ito sa mga healthy volunteers.

Imahe via Pixabay

Oral glutathione lamang ang aprubado nito ngunit bilang isang nutritional supplement. Ang injectable ay naaprubahan para lamang sa pagpigil ng nerve-side effects ng platinum-based chemotherapy ng mga pasyenteng may kanser.

Dahil dito, may kaakibat na risgo ang pagpapaturok ng injectible glutathione.

Samantala, dalawang COVID vaccines na ang nabigyan ng Philippine FDA ng emergency use authorization (EUA). Ang mga ito ay gawa ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.

Mahigpit din na nagpaalala ang DOH na kahit sa mga ido-donate na bakuna ay kailangang makakuha muna ang EUA bago ito tanggapin.

Base sa vaccine FAQs ng DOH, hindi naman mandatory ang pagpapabakuna subalit hinihimok ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna bilang proteksyon laban sa sakit.

Ano sa tingin ninyo? Magpapabakuna ba kayo?

Loading…