Doktor nagpaliwanag kung ano ang hindi dapat sabihin sa mga taong depressed

Image kuha mula sa video ni dockilimanguru via TikTok, Imahe via Pixabay
  • Isang doktor ang nagpaliwanang kung ano ang hindi dapat sabihin sa taong depressed
  • Hindi raw lahat ng tao ay pare-pareho ang kakayanan sa mga pagsubok kaya kinakailangan ng pag-unawa ng mga depressed
  • Payo niya dapat magpakita tayo ng suporta sa kanila dahil mahirap na kapag binalewala natin ito

May kaibigan ka bang nalulungkot at balisa? Madali lang magsabi na ”Wala ka namang rason para ma-depress. May iba nga diyan na walang-wala sa buhay, hindi naman nade-depress.”

Image kuha mula sa video ni dockilimanguru via TikTok

Ngunit ayon kay Dr. Kilimanguru, kung nasabi mo raw ito sa mga nade-deppress, “Mag-sorry ka.” Ang mga ganitong salita kasi ay lalo lang daw na nagpapalala ng kanilang depresyon.

“Totoong sakit ang depresyon,” dagdag pa niya.

Ibig sabihin nito ay kagaya ito ng ibang karamdaman na nangangailangan ng tulong maging medical o psychological.

Ang mga sintomas nito ay pagkalungkot, pagkawala ng gana sa mga dating ginagawa gaya ng trabaho, pagkain, pakikihalubilo, problema sa pagtulog, hirap sa pag-focus, pagkapagod at pagkabalisa.

Minsan mahirap ipaintindi sa ibang tao kung bakit nakararamdam nito lalo na kung wala naman silang nakikita na dahilan upang maging malungkot. Para mas maliwanagan, inihalintulad niya ito sa pagkakaroon ng allergy sa manok. Hindi mo puwedeng sabihan ang may allergy dito na wala siyang rason upang maging allergic sa manok.

Magkaiba ang kakayanan at immune system ng bawat tao kung kaya’t ang iba ay kaya nila ang mga pagsubok samantalang ang iba naman ay hindi.

Hindi dapat binabalewala ang mga kapamilya at kaibigan na dumaranas nito dahil maaaring ito ay magdulot ng hindi maganda sa kanila. Dahil dito, nagpaalala siya na maging supportive sa mga taong mayroon nito.

Imahe via Pixabay

Naglabas naman ng saloobin ang mga netizens.

“Thank you doc. Lagi akong sinasabihan na ‘ang drama’. Walang support. Pero minsan nakapapagod lang din pero laban lang po.”

“Kaya I stopped opening myself. Kasi every time I try, they just listen to reply but never to understand.”

Sa panahon ngayon ng pandemya marami ang nawalan ng trabaho. Malamang ang iilan ay nagkaroon ng depresyon dahil dito. Huwag natin silang husgahan kung hindi nila kinaya ang mga pagsubok. Kailangan nila ng kausap at ng karamay.

Huwag balewalain ang taong depressed.

Panoorin dito ang video ni doc sa TikTok.

@dockilimanguruMental health matters. ? ##LearnOnTikTok ##TiktokSkwela? original sound – Dr. Kilimanguru

Loading…