Drayber may biro na muntikan nang ikalundag ng pasahero palabas ng sasakyan

Imahe via Kevin Baldelobar | Facebook
  • Nag-iisang pasahero ang lalaki sa van nang tinanong siya ng drayber kung sa SM ba siya bababa
  • Ngunit nagkunwari ang drayber na may isa pang pasahero at nagtanong kung saan siya bababa
  • Yon pala ay isang biro lamang ito ngunit natakot na ang netizen na halos ikalundag niya palabas ng sasakyan

Naranasan mo na bang maging solong pasahero sa sasakyan? Minsan, ito ang mga pagkakataong magandang makipagkuwentuhan sa drayber.

Imahe via Kevin Baldelobar | Facebook

Ngunit imbes na maging kalmado at relaxed dahil nag-iisang pasahero si Kevin Baldelobar, muntikan na siyang tumalon palabas ng sasakyan. Kuwento niya sa Facebook ika-15 ng Pebrero, mag-isa na lang daw siyang pasahero 9:40 ng gabi sa may Regalado Ave., Quezon City.

Tinanong siya ng drayber, ”SM ka, sir?” Sumagot naman siya ng “oo”. Ngunit ikinabigla nito ang kasunod na sinabi.

“Ikaw ate diyan sa likod, SM ka rin ba?”  Kinabahan si Kevin sa tanong na ‘yon dahil siya lang naman mag-isa ang nakasakay sa van. Napatitig daw siya sa drayber at napatingin sa upuan sa kanyang likuran. Sa kaba niya, tatalon na sana siya palabas nang biglang…

“Joke lang, sir,” pahayag ng drayber sabay tawa. Biro lang pala ‘yon ni manong. Si manong naman, kaka-Valentine’s Day lang pero pang Halloween na ang hirit.

Magkahalong reaksyon ang nakuha ng kuwentong ito sa mga netizens.

Imahe via Kevin Baldelobar | Facebook

May mga nagsabing baka may nakita talaga ang drayber pero sinabi na lang na joke ito upang mapawi ang takot ng pasahero.

“Plot twist: there’s actually someone in there but the driver passed it as a joke to ease the passenger,” kumento ni Loucine Tamargo.

Ganon din ang reaksyon ni Juan Paolo Navarro, “Meron talaga siyang nakita, kaya lang nakita niyang takot ka na, kaya sabi niya ‘Joke lang’. Sayang din pasahero uy!”

Marami ang matatakot din umano gaya ni Kevin at sinabing baka mahihimatay pa raw sila.

Ang post na ito ay umani ng mahigit 189k reactions at pa-150K shares na. At hanggang ngayon, walang tigil pa rin ang pagkumento at pag-share ng post na ito.

Kung nangyari ito sa ’yo, ano kaya ang unang magiging reaksyon mo?

Source :

Facebook

Loading…