Food delivery rider sumakay ng bangka at nagsagwan sa ilog upang maihatid lamang ang order ng customer

Imahe via Pradit Saengdee | Facebook
  • Hindi alintana ng food delivery rider ng Thailand ang kanyang dadaanan para maihatid lamang ang order ng customer
  • Nasa gitna pala ng ilog ang customer ngunit hindi siya nagdalawang-isip na sumakay ng bangka at magsagwan papunta rito
  • Kinagiliwan at naging instant celebrity ang rider dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho

Walang makapipigil sa isang Food Panda rider ng Thailand na maihatid ang order ng customer kahit na kailangan pa nitong dumaan sa tubig.

Imahe via Pradit Saengdee | Facebook

Umorder ng pagkain sa Food Panda ang mga mangingisda na nasa Bang Pakong River sa Chachoengsao, Thailand. Ang order ay nakuha ng rider na si Tanyapisit Eiamkitjakarn. Kaya lang nalaman niyang nasa gitna ng ilog ang mga customers. Paano niya kaya ito maihahatid?

Hind pa rin nagdalawang-isip ang rider at kumuha siya ng maliit na bangka at nagsagwan papunta sa mga paghahatiran niya. Manghang-mangha ang mga mangingisda nang makita ang rider na naka-helmet pa habang nagsasagwan. Nakunan ng kasama nilang si Pradit Saengdee ang mga eksenang iyon at agad ibinahagi ang mga larawan sa social media noong ikalawa ng Pebrero.

Sa caption inilagay nito ang mga salitang,”Food Panda now has marine delivery services.”

Dagdag pa niya, ”to the Foodpanda of Chachoengsao. Riding a motorbike is outdated. Let’s paddle a boat. This is the new frontier for food delivery”.

Imahe via Pradit Saengdee | Facebook

Ayon kay Pradit, umorder siya noong nasa tabi pa lamang siya ng ilog ngunit sumakay siya ng bangka upang mangisda. Nang malapit na sa lokasyon ang rider tumawag ito at nabigla nang malamang kilala niya pala ang umorder. Kaya kahit nasa ilog ang mga ito ay hindi naman naging problema para sa kanya.

Matagumpay na naihatid ni Eiamkitjakarn ang mga orders.

At dahil sa post, naging instant celebrity siya na pinag-usapan sa Thailand. Marami ang pumuri sa kanyang dedikasyon sa trabaho at ang iba naman ay naaliw sa kanyang ginawa.

Imahe via Pradit Saengdee | Facebook

“So proud of this hard-working man. If he doesn’t know how to drive a boat or without a boat, he’ll have to wait.”

“Wearing a rowing helmet. Looks like red ants. Lol.”

Malaki ang pakinabang natin sa mga food delivery riders lalo na ngayong may pandemya. Umulan man o umaraw, nariyan sila para makarating sa atin ang pagkain.

Sana’y nakatanggap ng tip at malaking rating si Eiamkitjakarn.

Loading…