‘Bakit walang malaking size ang Yakult?’ Suki nakatanggap ng paliwanag mula sa kompanya

Imahe via Roseller Kempis | Facebook, Imahe via Yakult Philippines | Facebook
  • Isang lalaking suki ng Yakult ang nagtanong sa FB page nito kung bakit walang malaking size ng probiotic drink
  • Basahin kung ano ang naging sagot ng kumpanya at iba pang importanteng detalye hinggil sa inuming ito

Fan ka ba ng Yakult?

Ang probiotic drink na ito ay naimbento noong 1930’s ni Dr. Minoru Shirota. Taong 1935 unang lumabas ang inuming ito sa glass bottles.

Imahe via Roseller Kempis | Facebook

Noong 1968, inilagay na ito sa sisidlang plastik na nakikita natin ngayon. Subalit isang lalaki ang nagtaka kung bakit walang malalaking size nito. Binisita ni Roseller Kempis ang Facebook page ng Yakult at ipinaabot niya ang kanyang katanungan.

“Bata pa ako noon mula ngayon, ‘di ko pa rin alam ang sagot. Bakit po walang malaking size ng Yakult?”

Agad naman siyang sinagot nito.

“That’s an interesting question, Roseller. Thank you for thinking about us. Yakult avoids creating bigger bottles for the reason that Yakult must be consumed in one sitting.”

Dagdag pa nito, may kasamang live culture ang inumin na madaling makontamina kapag hindi agad nauubos.

“Having a bigger Yakult will make it prone to contamination by frequent opening and closing of the lid.”

Yon pala! Nakalagay daw sa 80mL bottle ang probiotic drink na ito dahil ang dami na iyon ay tamang-tama lang para magdala ng 8 billion live Lactobacillus casei strain Shirota para panatilihing nasa maayos na kalagayan ang tiyan at pagandahin ang pagtunaw ng kinain.

Samantala, sa ibang bansa ay mayroon itong 65mL at 100 mL bottles.

Imahe via Roseller Kempis | Facebook

Noong 2016, 68,000 katao ang nagkaisa upang manawagan sa social media. Hiling nila na magkaroon ng 1 litro ng Yakult. Subalit nanindigan pa rin ang kumpanya na panatilihin ito sa 80mL bottle.

Nag-iisa lang din ang flavor nito sa buong mundo maliban lamang sa Singapore na may orange, grape at apple flavor.

Subalit marami ang humirit kay Kevin na mayroon naman daw malalaking Yakult sa ibang bansa kagaya ng sa Japan. Pero ayon sa aming pagsasaliksik, ang 500mL bottle na ito na mabibili rin sa Tokyo Market PH sa bansa ay diluted version lamang at wala itong L. casei strain. Ngunit ito ay may “galacto-oligosaccharides liquid sugar”, na makatutulong din sa maayos na digestion.

Sana’y nalinawan tayong lahat kung bakit walang malalaking Yakult.

Loading…