
- Natanggap na ng mani vendor ang ipinangakong bagong bisikleta mula sa isang online bike shop
- May sidecar ito para maging komportable ang kanyang alaga at puwede niyang pahingahan
- Balikan ang kanyang istorya na umantig sa mga netizens dahil sa pagsisikap niyang maghanapbuh
ay kahit sira ang gamit niyang bisikleta
Enero 2021 nang sumikat sa social media ang mani vendor na naglalako kasama ang kanyang aso. Umagaw kasi ng pansin ang kanyang sirang bike na agad namang nasolusyonan dahil sa mga may mabubuting kalooban.

Enero 24, naibigay na ng may-ari ng Sikad Ta Bai, isang bike shop sa Cebu, ang naipangakong bisikleta para kay Pastor Sisoy at sa kanyang aso na tinatawag niyang “puppy love”.
“The Trisikad that we promised to Pastor Sisoy (the Peanuts Vendor) successfully handed over this morning. Sisoy and his dog Puppy Love have now temporary shelter and enough space for his rolling store. Thank you guys for the company. Riders from Minglanilla, Talisay and Cebu City.
Dili tamo ma usa kay daghan kaayo mo. And thank you to sir Franklin and mam Gretel ug sa uban pang ni hatag tabang ni SISOY,” paglalahad ng bike shop.
Isang malaking ngiti mula sa mani vendor ang ipinakita nito nang masakyan na ang kanyang biskleta. Mayroon na itong maliit na side car para may ligtas na paglalagyan ng kanyang alaga na dinadala niya. Mas komportable na rin niya itong pahingahan.

Bago pa ito dumating, nagbubukas lamang ng payong si Sisoy para magkaroon ng silungan sa tuwing natutulog siya at nagpapahinga.
Si Sisoy ay dating security guard sa Badian, Cebu na nagpasyang tumigil sa pagtatrabaho at naisipang magnegosyo ng mani. Isa na siyang ulila at wala rin daw siyang mga kapatid kaya malapit siya sa kanyang aso.
Una siyang naibahagi sa social media noong Enero 8 ni Franklin Ramos Mariscal, isang estudyante. Naglalakad siya sa may South Bus Terminal sa Cebu nang makita si Sisoy. Nang magkausap sila, iniinda ni Sisoy ang kanyang likod dahil sumasakit daw ito gawa ng pagtutulak ng bike. Sira-sira na kasi ang gulong nito.

Matapos maikuwento ni Franklin ang kalagayan ng vendor, dumagsa ang tulong ng mga netizens. Nakalikom siya ng pondo at pinambili niya ito ng groceries para kay Sisoy at sa alaga nito. Bukod sa bagong bike, may sumagot din sa pagpapabakuna sa aso.
Isang pagsaludo sa lahat ng tumulong kay Sisoy at sa kanyang si “Puppy Love”. Malaki ang ikinagaan nito sa kanyang paghahanapbuhay.