Babae kumanta para makatulong sa lalaking may kapansanan na tumutugtog sa lansangan

Imahe kuha mula sa video ni Ruel Quinones via Facebook
  • Humalili sa pagkanta ng lalaking may kapansanan ang isang babaeng may magandang boses
  • Tinanong siya kung kaanu-ano nito si manong at sinabi niyang wala silang ugnayan at nais lang daw nitong makatulong
  • Naantig sa sagot niya ang isang netizen kaya’t ibinahagi nito ang kakaibang kuwento ng pagtulong sa social media

Sa Divisoria, Cagayan de Oro, viral ang kuwento ng kakaibang pagtulong sa taong may kapansanan na kumakanta at tumutugtog para kumita.

Imahe kuha mula sa video ni Ruel Quinones via Facebook

Nasaksihan ito ng netizen na si Ruel Quinones at naisip niyang karapat-dapt itong malaman ng iba kaya ibinahagi niya ito sa social media.

Ayon sa kanyang post, bumaba raw siya ng taxi para dumaan sa Mercury Drug ng Divisoria nang makarinig siya ng kumakanta na may napakagandang boses. Kadalasang may manong na bulag na kumakanta roon ng Tagalog songs pero nang gabing iyon, iba ang kumanta para sa kanya.

Napatigil si Ruel dahil sa ganda ng boses nito. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang i-video ang babaeng kumakanta na tinutugtugan naman ni manong.

Matapos ang pag-awit, tinanong niya ang babae kung kaanu-ano nito si manong.

“Wala ra sir. Gusto lang nako siya tabangan…” sagot ng babae.

Hindi raw nito ka anu-ano si manong. Nais lang daw niyang tumulong. Naantig si Ruel. Napadukot siya ng P100 sa pitaka at inilagay sa kahon ni manong.

Nanood pati ang mga vendors. At dahil nagustuhan nila, humingi pa sila ng isa pang kanta. Hindi man masyadpng marunong si manong sa pagtugtog ng kantang iyon, umawit pa rin ang babae. Napadukot ulit ng pera si Ruel sa ikalawang pagkakataon at ibinigay kay manong.

Sa muli niyang pagtanong, nalaman niyang Regine ang pangalan ng babae.

“La lang, I just feel like it’s worth sharing,” paglalahad ni Ruel.

Imahe kuha mula sa video ni Ruel Quinones via Facebook

Isang Adlin Remirez ang nagkumento na aktibong miyembro  pala si Regine Carpio sa music ministry ng Acdo Oasis of Love Community at isa rin siyang pinagkakatiwalaang miyembro ng Alto’s in Singers for Christ Choir sa Metropolitan Cathedral.

Napahanga ang mga netizens hindi lamang sa kanyang galing kundi pati na rin sa kabutihan ng kanyang puso. Maging si Ruel ay pinuri rin nila dahil sa pagbigay nito ng tulong at pagpapahalaga sa talento ng iba.

“You have a golden voice with a golden heart, sharing your talent to help others. God bless you, Regine.”

“Gifted with golden voice! God-given talents are meant to be shared and use for good.”

Malamang malaki ang naitulong ni Regine kay manong nang gabing iyon. Sana’y dumami pa ang gaya niya na handang magbahagi ng talento para sa kapakanan ng iba nang walang kapalit.

Panoorin dito ang video ng kanyang pag-awit.

Loading…