Doktor may payo sa mga naglalagay ng rubbing alcohol sa tubig panligo ng bata o pampunas: ‘Hindi advisable’

Imahe via Dr. Richard Mata, Imahe via Canva
  • Hindi inirerekomenda ng isang pediatrician ang paglalagay ng rubbing alcohol sa tubig panligo ng bata
  • Madali raw kasi itong malanghap at nakatutuyo ng balat at kapag naparami ay mas malala pa ang magiging side effects nito
  • Ang paglalagay kasi nito sa tubig panligo ng bata ay naging kaugalian na ng ibang Pinoy at nais niyang magbigay ng babala sa epekto nito

Para sa mga magulang, prioridad nila ang kalinisan ng mga anak dahil ang pagbabalewala nito ay maaaring pagmulan ng sakit.

Imahe via Pexels

Kaya naman may mga maingat at metikuloso sa kanilang pagpapaligo ng anak.

Well, isa ka ba sa naglalagay ng rubbing alcohol sa kanilang tubig panligo? May babala ang doktor na si Richard Mata, isang pediatrician, sa mga gumagawa nito.

“Hindi po advisable na lagyan ng isopropyl rubbing alcohol ang tubig panligo ng baby,” paglilinaw ni dok sa kanyang social media post.

Madaling ma-absorb daw kasi ng katawan ang alcohol. Maaari rin itong malanghap at kapag umabot sa toxic level ay magiging sanhi ng comatose at iba pang side effects.

Parehang kadahilanan din kung bakit hindi ito dapat binubuhos sa katawan para bumaba ang lagnat.

Nakatutuyo rin ito ng balat dahil natatanggal nito ang natural oils na taglay natin. Kapag ganoon puwedeng magka-rashes si baby.

Dagdag niya, ”Ang rubbing alcohol ay puwede naman sa konteng amount sa kamay o sa balat para lang disinfectant.”

Imahe via Pexels

Naglabas ng paalala ang doktor dahil napansin daw niya na sa isa niyang post ay marami pa rin pala ang gumagamit ng rubbing alcohol sa tubig panligo ng mga bata. Isa raw kas itong kaugalian ng mga Pilipino. Subalit sobra isang dekada na nang nagpalabas ng public warning ang isang pahayagan laban dito dahil may report daw na nakaka-coma.

“Alalahanin na ang baby ay maliit lang ang katawan kaya mas madaling tumaas ang toxic level ng alcohol sa kanilang katawan.”

Mainam na raw ang tubig at sabon na pambata para panlinis kay baby.

Sa huli, binawi naman niya ang pangamba ng mga gumagawa nito dati.

“But don’t worry po sa gumagawa nito dati, wala namang long term effect yan as long as walang nangyari. Majority naman walang problema maliban sa kukunting kaso, na marahil talagang napadami.”

Source :

Facebook

Loading…