‘Kuya, ‘yong pusa kakainin ng daing!’: Nakalilitong sumbong ng babae kinaaaliwan

Imahe kuha mula sa video ni geraldinemasamoc ia TikTok
  • Kinaaaliwan sa TikTok ang video ng pusang nakatitig sa daing na nakabilad sa may bintana
  • Ngunit mas naghatid ng good vibes ang napansin ng mga netizens na nakalilitong sumbong ng babae sa may-ari ng daing
  • Kahit ilang beses niya kasing ni-rephrase ito, ang ibig sabihin pa rin ay ‘yung daing kakainin ‘yong pusa’

Paborito ng pusa ang isda kaya naman kapag may ulam kang isda, huwag mong ilagay sa kung saan-saan lang at baka bigla na lang itong mawala dahil tinangay na ng pusa.

Imahe kuha mula sa video ni geraldinemasamoc ia TikTok

Makikita sa video ni @geraldinemasamoc sa TikTok na natiyempuhan nito ang pusang takam na takam na nakatitig sa daing na nakabilad sa may bintana. Tanaw ng babae mula sa kanyang bintana ang pangyayari kaya bago pa man makuha ng pusa ang daing, nagsisigaw na siya upang ipaalam sa may-ari na may nakaabang na pusa rito. Kaya lang…

“Kuya, kuya, ‘yong daing mo kakainin yong pusa!” sabay halakhak.

Ano daw? Inulit pa ito ng babae nang ilang beses ngunit gano’n pa rin ang pagkasabi niya rito.

“Kuya, ‘yong pusa kakainin ng daing!” Ni-rephrase na ng babae ang kanyang linya ngunit gano’n pa rin ang kahulugan ng pagkasabi niya.

Sino ba naman ang hindi maaaliw sa mga linyang ‘yon kung saan ang ibig sabihin ay kakainin ng daing ang pusa imbes na ang pusa ang kakain ng daing. Napansin ito ng mga netizens at kinaaaliwan nila ang pagkakamali sa video. Dagdag pa rito ang reaksyon ng pusa nang marinig siyang nagsisisigaw.

“Ano tingin-tingin mo diyan? Gusto mo? Luh, asa ka. Hahaha!” sabi pa niya sa pusa sabay tawa. Mukhang masama ang tingin ng pusa sa kanya dahil naistorbo nito ang kanyang misyon.

Natapos ang video nang hindi nalaman kung sa bandang huli ay umalis ba ang pusa o kumuha ng daing. Ngunit ang malinaw, nagbigay ito ng aliw sa mga netizens.

Imahe kuha mula sa video ni geraldinemasamoc ia TikTok

“Ate, baka ang gusto mong sabihin ‘yong daing kakainin ng pusa.”

“Di ko mapigilan ‘di tumawa. Sakit sa tiyan, grabe.”

“Ayaw tuloy maniwala ng may-ari. Paano kasi ‘yong daing kakainin yong pusa’. Ni-rephrase pa ‘yong pusa kakainin ng daing” Hahahaha. Kala nag-joke. Hahaha.”

Humingi naman ng paumanhin ang may-ari ng video sa isang nagkumento at pabirong nilinaw nito ang ibig niyang sabihin.

“Sorry nagkamali po. Ang tama talaga is ‘yong daing kakainin si kuya.” Hahaha.

Panoorin dito ang nakaaliw na video.

@geraldinemasamocbaliktad may masamang balak Yung daing???? original sound – Geraldine Masamoc – dddd

Source :

TikTok

Loading…