Lalaking gumagamit ng galon ng tubig bilang colostomy bag, kumakayod pa rin para sa pamilya sa kabila ng sitwasyon

Imahe via Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook
  • 2019 pa nang inopera John Paul at kinakailangan nitong gumamit ng colostomy bag
  • Para makatipid, ginawan siya ng kanyang kapatid ng DIY colostomy bag gamit ang hose ng washing machine at galon ng tubig
  • Subalit ang nakamamangha, kumakayod pa rin siya upang matustusan ang pangangailangan niya at ng walong kapatid

Minsan may mga pagkakataong kinakailangang ilabas ang bituka. Colostomy ang tawag sa prosesong ito.

Imahe via Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

At isa si John Paul sa dumaan dito. Dahil magastos ang bag, gumawa siya ng paraan para makatipid. At kahit ganoon ang kanyang sitwasyon, hindi nito napigil na kumayod pa rin para sa pamilya.

Sa ibinahaging kuwento ng Kapuso Mo Jessica Soho, 2019 pa raw nang nagkaroon siya ng colostomy bag pero hanggang ngayon, dahil sa ilang kadahilanan, hindi pa rin naibabalik ang kanyang bituka sa loob ng katawan.

Malaki ang gastusin sa isang araw para sa colostomy bag na maliit lang at madaling mapuno. Ayon sa kanya, 50 beses daw kasi sila nagde-drain araw-araw kaya para makatipid, gumawa ang kanyang kuya ng DIY na lalagyan. Gawa ito sa tubo na pang-drain ng washing machine at malaking galon ng tubig. Sa ganoong paraan mas matagal itong mapuno.

Saan man siya magpunta, sukbit-sukbit niya ito na inilalagay niya sa backpack. Marami raw ang diring-diri sa kanya.

Imahe via Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

Subalit sa kabila ng araw-araw na sakripisyong ito, kumakayod pa rin siya para kumita. Breadwinner daw kasi siya sa siyam na magkakapatid. Hiling niya sa Panginoon na huwag daw muna siyang kunin kasi marami pa siyang pangarap para sa pamilya.

Umaasa siya na balang araw maibabalik na sa loob ng katawan ang kanyang bituka.

Maraming netizens ang naantig sa kuwento ni John Paul. Ang post na ito ng KMJS ay umabot sa mahigit 360k reactions, 13k comments at 22k shares.

Imahe via Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) | Facebook

May mga humanga sa kanya dahil sa pagsisikap niya para sa pamilya sa kabila ng kanyang sitwasyon. Marami rin ang kagaya niya na nagbahagi ng kanilang larawan para ipaalala sa kanya na maging matatag at ituloy lang ang laban sa buhay. Hangad din ng iba na matulungan si John upang bumalik na sa normal ang kanyang buhay.

Kung sa tingin natin, hirap na hirap na tayo sa kalagayan natin ngayon, alalahanin natin si John na mas mabigat pa ang sakripisyong dinadala ngunit hindi sumusuko at nagsisikap para maibigay ang pangangailangan ng pamilya.

Sana sa pagbahagi kay John ng KMJS, mabigyan siya ng pansin at matulungan.

Source :

Facebook

Loading…