Mag-asawa umunlad ang buhay dahil sa pagdiskubre ng mga produktong gawa sa malunggay

Imahe via PIxabay, Imahe kuha mula sa video ng Net 25 via YouTube
  • Nang maghirap. sinubukan ng mag-asawa na magnegosyo gamit ang mga produkto mula sa malunggay
  • Nagsimula sila nang walang-wala kaya umutang pa sila ng pampuhunan mula sa mga anak
  • Ngayon masaya na sila dahil bukod sa umunlad ang kanilang negosyo kasama rin nila ang kanilang mga anak sa pagtataguyod nito

Ang malunggay ay tanim na matatawag na miracle plant dahil sa dami ng benepisyo nito. Sa mga naniniwala rito, marami na rin ang umunlad ang buhay at isa na rito ang mag-asawang sina Merlita at Jun Salcedo.

Imahe kuha mula sa video ng Net 25 via YouTube

Sila ang nagmamay-ari ng sikat na malunggay herbal products brand na Super Moringa. Naging malaki man ang pag-asenso ng pakikipagsapalaran nila sa malunggay, hindi naman madali ang naging daan nila papunta rito.

Sa programa ni Robin Padilla na UNLAD Kaagapay sa Hanapbuhay, ibinahagi nila kung paano nagsimula ang kanilang negosyo.

“Napakahirap maging mahirap,” ito ang pagsasalarawan ni Merlita sa kanilang nakaraan. Ito rin ang nag-udyok sa kanya na magsikap upang umasenso. Lima ang kanilang anak at isang hamon ang mabigyan sila ng magandang buhay.

Ilang negosyo at hanapbuhay na rin ang kanilang sinubukan noon ngunit hindi ito naging matagumpay. Minsan na silang nagbenta ng ice candy at nagpapalako ng ice buko. Ngunit dahil sa determinasyon, muli siyang sumubok ng panibagong pagkakikitaan.

Kuwento rin niya sa Life TV, nangutang pa siya ng P14,000 mula sa dalawa niyang anak para maging puhunan sa pagsisimula ng kanilang negosyo.

Mahilig sa herbal products si Merlita at na-inspire siya sa dami ng benepisyo ng malunggay kaya nagdiskubre sila ng mga produkto mula rito. Nagsimula sila sa aromatherapy oils at panghaplas. Walang kasiguraduhan kung mapagtatagumpayan nila ito ngunit dahil sa pagsisikap, marami na ngayon ang naniniwala sa kanilang produkto.

Imahe via Super Moringa | Facebook

Kasama nila ang ilang anak sa pamamalakad ng negosyo kung saan bawat isa sa kanila ay may sariling tungkulin sa kumpanya. Ito raw ang pinakamagandang nangyari sa kanilang buhay kung saan lahat sila ay nagtutulungan para sa pamilya.

Masaya rin ang mag-asawa dahil nakapagbigay sila ng oportunidad sa iba na kumita.

Ang Super Moringa ay nakatanggap na ng maraming awards at pagkilala tulad ng Gawad Maunlad National Grand Winner, World Class Philippine Brand at Most Outstanding and Trusted Herbal Product Brand.

Panoorin ang buong detalye ng kanilang kuwento rito.

Source :

YouTube, Facebook

Loading…