Ukay na nabili ni Mimiyuuuh kapareho raw ng damit na suot ni Jennie ng Blackpink ayon sa isang netizen

Imahe kuha mula sa video ni Mimiyuuuh via YouTube, Imahe via dalgomie16 | Twitter
  • Matapos ang mahabang panahon, nakapamili sa ukay-ukay ang vlogger na si Mimiyuuuh kasama ang photographer na si Shaira Luna
  • May netizen na nakapuna na ang nabili niyang jumpsuit ay kapareho raw ng suot ng isang K-pop idol
  • Nagulat naman si Mimiyuuuh sa komentong iyon dahil napakamahal pala ng presyo ng “orihinal” nito 

Tampok sa latest vlog ng sikat na social media artist na si Mimiyuuuh ang pamimili nito sa ukay-ukay kasama ang photographer na si Shaira Luna.

Imahe via Mimiyuuuh } Facebook

Kuwento niya, sobrang tagal na raw noong huli siyang makapag-ukay ukay at masaya siya dahil sasamahan siya ni Shaira na ayon sa kanya ay isa sa mga best thrifters in Manila.

“Ukay is a therapy for me. The smell.. The people.. Great deals.. Great clothes. You know what I’m sayin’,” paliwanag niya.

Nagtungo sila sa Makati Cinema Square upang doon mamili. Matagal nakapili ng gustong design si Mimiyuuh samantalang marami-rami na ang nabili ni Shaira. Bago natapos ang vlog ay nakapili na rin siya ng damit. Ito ay isang kulay itim na jumpsuit na may long sleeves at spaghetti strap.

Matapos mai-share ang kanyang vlog, isang netizen sa Twitter ang nakapansin na ang disenyong ito ay kapareha raw ng sinuot ni Jennie ng Blackpink sa kanilang HYT performance sa Music Score. Ito ay may brand na Alessandra Rich.

“Man, @mimiyuuuh just bought this $1.870 dress that Jennie wore in UKAY UKAY. DAMN,” post ng netizen na may Twitter handle na @dalgomie16.

Kung ico-convert sa peso ang $1,870, ito ay katumbas ng mahigit Php90,000!

Ibinahagi ni Mimiyuuh ang post ng netizen at sinabing,” THANK YOU THRIFT GOD FOR THIS BLESSING!!!! AAAAAAAHHHHHHHHH!!!! WATCH MY LATEST VLOG POOOOOOO!!!!!”

May reaksyon naman ang ilang netizens dito.

“Lisa Manoban na ang hair, Kim Ji-soo na ang visuals, Rose ang boses tapos Jennie Kim pa ang outfit????? EXACTLY QUEEN MIMI.”

“Jennie ng Pinas ang outfit pero ang buhok Lisa. Post na ‘yan @mimiyuuuh baka sakali makita.”

Hindi na sinabi ni Mimiyuuh kung kaparehong brand ba iyon o branded-inspired lang ngunit ang malinaw, nagpaaliw sa mga mahilig bumili ng ukay ang vlog na iyon.

Samantala, abangan natin kung kailan niya ito susuotin.

Panoorin ang kanyang vlog dito.

Loading…