Para sa kanyang 24th birthday Julia Barretto nagbahagi ng stunning beach photos

Imahe via BJ Pascual | Facebook
  • Para sa kanyang ika-24 na kaarawan, naglabas ng mga stunning beach photos si Julia Barretto
  • Kasunod ito ng sunud-sunod na pag-amin nila ni Gerald ng kanilang relasyon
  • Samantala, may pahayag naman ang aktres para sa mga patuloy na pumupuna sa kanya

Muli na namang tumunog ang pangaln ni Julia Barretto nang inilabas ang kanyang beach photos para sa ika-24 niyang kaarawan noong Marso 10.

Imahe via BJ Pascual | Facebook

Marso 9 nang unang inilabas sa kanyang social media accounts ang iilang larawan na kuha ng celebrity photographer na si BJ Pascual. Litaw na litaw ang classic beauty at sinabayan pa ng super toned na katawan, marami ang napa-wow sa kanyang mga kuha.

Sinabi ng aktres sa vlog ni BJ Pascual na ang photoshoot na ito ang pagkakataong hinihintay niya mula noong 16 taong gulang pa lamang siya. Binalikan din niya ang nauna nilang photoshoot noong 16 pa lang siya kung saan marami na silang pinlano sa photoshoot subalit bata pa raw siya para gawin ang mga iyon.

Binati naman siya ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa Instagram at may kasama pang hashtag na #youareablessing.

Kamakailan lang ay umamin si Gerald kay Boy Abunda sa totoong estado ng relasyon nila matapos ang matagal na panahon ng spekulasyon ng mga netizens. Kasunod nito, nagdiwang ng kaarawan si Gerald at binati siya ni Julia ng isang “mapagpalayang” sweet birthday message.

“Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”

Nag-upload ng larawan nila ang aktres kung saan sweet na sweet ang dalawa habang nasa beach.

Imahe via Julia Baretto | Facebook

Magkasama rin ang dalawa nang ipinagdiwang ng aktor ang kanyang kaarawan sa pagkakawanggawa sa Barangay San Agustin Iba, Zambales.

Naunang karelasyon ni Gerald si Bea Alonzo noong 2010 ngunit nagkahiwalay sila. Taong 2016, muli silang nagkamabutihan hanggang opisyal na naging sila noong 2018. Subalit nagkahiwalay din sila noong 2019 at naging kontrobersyal ito dahil sa usap-usapang sangkot si Julia sa kanilang hiwalayan.

Gumagawa noon ng pelikulang Between Maybes sa Japan sina Gerald at Julia at pinaghihinalaang ang tambalan ng dalawa ay nagdulot ng tensyon sa relasyon nina Gerald at Bea. Itinanggi naman nina Gerald at Julia na may namamagitan sa kanila. Subalit hindi pa rin nawala ang duda ng mga netizens dahil sa mga clues sa kanilang social media posts na sila ay magkasama.

Ang kontrobersyal na relasyon ng dalawa ang dahilan kung bakit may bumabatikos sa aktres. Subalit nananatili siyang matatag at ipinagkibit-balikat na lamang ang mga namba-bash sa kanya.

Imahe via BJ Pascual | Facebook

Sa vlog ni BJ Pascual, sinabi ng aktres na, ” Because you don’t know me, I don’t know you, we can’t judge each other. It’s just not possible.”

Para sa kanya, mas importante umano ang opinyon ng kanyang pamilya, mga kaibigan at malapit sa kanya na siyang nakakakilala sa kanya.

Panoorin ang buong vlog ni BJ Pascual dito.

Loading…