Para sa pamilya: Security guard sibuyas at bawang ang inuulam para mas malaki ang maipapadalang pera

Imahe via Apit Lid | Facebook
  • Umantig sa mga netizens ang larawan ng security guard dahil sa napakasimpleng baon nito
  • Wala kasi siyang ulam kundi sibuyas at bawang lang ang pares nito sa kanin
  • Isang pagsasakripisyo pala ito ng guard para makatipid at mas malaki ang maipadalang pera sa pamilya

May mga manggagawang kumakayod hindi lamang para sa sarili kundi mas lalo na para sa pamilya.

Imahe via Apit Lid | Facebook

Maraming sakripisyo ang kanilang hinaharap araw-araw. Nariyan na ang pagtitipid para mas malaki ang maiuuwi sa pamilya.

Isa na rito ang security guard sa Malaysia na pumukaw sa damdamin ng maraming netizens dahil sa kanyang larawan. Nakunan siya ng litrato habang kumakain ng kanyang baon. Ang nakatawag-pansin kasi ay ang laman nito na imbes totoong ulam, sibuyas at bawang ang pares nito sa kanin na may sabaw.

Ipinaliwanag ni Apit Lid na siyang nag-post ng mga larawan na ang suweldo ng guard ay kagaya naman daw ng ibang manggagawa subalit mahal niya kasi ang pamilya niya kaya malaki ang tinitipid niya para mas malaki rin ang maipadadala nitong pera sa kanila.

Sa katunayan, gumagastos lamang siya nang hindi hihigit sa 100 Malaysian ringgit, katumbas ng Php 1,170 sa isang buwan dahil ang natitira niyang sahod ay ipinadadala niya na sa kanila.

Dahil dito, nagmalasakit din si Apit at sa tuwing may extra siyang budget, binibilhan niya ito ng pagkain.

“Hopefully everything will be alright for him,” dagdag niya sa kanyang post.

Ang post na ito ay pauit-ulit na nai-share at umani ng simpatiya mula sa mga PInoy netizens lalong lalo na sa mga nakare-relate dito.

Imahe via Apit Lid | Facebook

“Isang tingin ko pa lang nakaka-touch na. Security guard din asawa ko. Minsan kanin lang baon niya walang ulam,” kumento ni Chona Acuin Elorza.

“Sige lang, kuya. Makararaos ka rin niyan. Ganyan kami dati. Ni ultimo pisong bawang uutangin pa namin. Hindi ka nag-iisa, kuya.”

Ngunit para sa iilan, kailangan din daw ng security guard na pangalagaan ang kanyang kalusugan. Dapat daw ay may sustansya din ang kanyang pagkain lalo na’t kailangan nito ng lakas sa trabaho.

Ayon sa employment website na Indeed, sa Malaysia, ang security guard ay karaniwang kumikita ng humigit-kumulang 1,500 Malaysian Ringgit kada buwan na katumbas naman ng Php 15,400  sa Pilipinas. Ibig sabihin hindi naman maliit ang kanyang suweldo ngunit mas pinahahalagahan lang nito ang pamilya kaysa sarili.

Kayo, kaya n’yo bang magtiis para sa pamilya? Anu-ano ang mga sakripisyong pinagdaanan ninyo para makapagpadala ng pera?

Loading…