Pulis pinagawan ng sidecar ang ginang na naglalako ng gulay, pinalakas din nito ang pananalig sa Panginoon

Imahe via Pulis Hokage | Facebook
  • Isang ginang na naglalako ng gulay ang tinulungan ng pulis dahil nasira ang sidecar ng bike nito
  • Nakamamangha dahil pinagawaan  mismo ng pulis ng bagong sidecar ang ginang
  • Kinalaunan, regular na ring nagsisimba ang ginang at sumasama sa prayer meetings ng pulis

Ang mga pulis ay hindi lamang tumutupad sa inaasahan nilang tungkulin ngunit may malalambot din sila na puso para sa kanilang kapwa.

Imahe via Pulis Hokage | Facebook

Isa na rito si Patrolman Joseph Cereza ng Petal, Dasol, Pangasinan. Pinagawan nito ng bagong sidecar ang isang ginang na naglalako ng gulay.

Ayon sa post ng Pulis Hokage FB Page, minsang dumaan ang ginang na si nanay Rosela sa pinagdu-dutyhan ni Cereza. Nasiraan noon ng sidecar ang ginang na naglalako ng gulay. Tinulungan siya ni Cereza at kinuha ang pangalan at contact number nito. Ito pala ay dahil nangako ang pulis na pagagawan ng mas maayos na sidecar ang ginang. Naalala raw niya kasi ang nanay niya na nagtitinda rin daw ng gulay noon.

Inimbitahan ni Cereza si nanay sa kanilang Sunday service kung saan sila regular na nagsisimba ng kanyang mga kaklase at FTO sa pangunguna ni Police Chief Master Seargent Edwin Mama-o. Matapos ang misa, dito na sinurpresa ni Cereza si nanay at pamilya nito. Ibinigay niya ang bagong sidecar at pina-basbasan na rin nang araw na iyon.

Nagbigay din siya ng kaunting halaga para sa pamilya ni nanay Rosela.

Imahe via Pulis Hokage | Facebook

Bukod sa kaginhawaang hatid ng pulis kay nanay, napatibay din niya ang pananalig nito dahil mula noon, doon na nagsisimba sa House of Prayer Church si nanay Rosela pati ang mga anak nito. At kahit sa prayer meeting ng mga kasamahan ni Cereza kada Miyerkules ng gabi ay sumasama na rin siya.

Nagpasalamat ang ginang. Ngayong may maayos na siyang sidecar, mas maraming gulay na raw ang kanyang nakakarga at nakapagtitinda na rin daw siya nang maayos.

Marami ang sumaludo sa pulis. Hindi lang daw nito tinulungan si nanay kundi inilapit niya rin sa Diyos.

Si Cereza ay isang police trainee ng Sta Cruz Police Station, Sta Cruz, Ilocos Sur.

Source :

Facebook

Loading…