‘Selling fresh buko po! Matamis at masarap!’ Kakaibang diskarte ng lalaki sa pagbebenta kinaaliwan

Imahe via Danilo Delos Santos Jr. | Facebook
  • Aliw ang hatid sa mga netizens ng trending post ng isang hunk na nagbebenta ng buko
  • Bukod sa pogi ito, kitang-kita rin ang ganda ng katawan dahil wala siyang suot na pang-itaas
  • Kapag inalok ka nito, mapabibili ka ba?

Kumakain ka ba ng buko? Umiinom ka ba ng buko juice? Naku, kahit na siguro hindi ka mahilig, baka mapabili ka kapag inalok ka ng poging vendor na ito.

Imahe via Danilo Delos Santos Jr. | Facebook

Pinagkaguluhan sa social media ang post ni Danilo Delos Santos Jr. dahil sa kakaibang panghatak nito sa mga customers ng buko.

“Selling Fresh BUKO po! Matamis at masarap! Free delivery! PM is the key!” caption nito sa kanyang post. Subalit ang mga larawan niya ang mas tumawag ng pansin sa mga netizens.

Dahil sa mala-artistang mukha at isama pa ang hunk na pangangatawan na kitang-kita dahil sa wala itong shirt na suot, hindi matapos-tapos ang pagkumento ng mga netizens.

Narito ang ilan sa mga nakaaaliw na reaksyon sa comments section.

Imahe via Danilo Delos Santos Jr. | Facebook

“Nagbabago talaga ang mga gusto ko. Ayoko ng buko dati pero ngayon parang lagi ako nagca-crave. Ikaw din ba, auntie? HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA,” kumento ng netizen na tinag pa ang kanyang ‘auntie’.

“How much daw po isang truck? May kilala po ako papakyaw daw. Sinusumpong ng UTI bigla.”

“Saan ba ‘yan nang mapakyaw ko na ‘yan? Pakibuksan na rin sa harap ko. Willing to wait naman po ako.”

Ang pampa-good vibes na post na ito ni Danilo ay humakot na ng 10k reactions, 11k comments at 54k shares! Subalit hindi naman ito bumenta sa iba.

Imahe via Danilo Delos Santos Jr. | Facebook

“Aba okay din! Pag lalaki may abs sasabihan ng masarap pero pag babae nakahubad bawal bastusin. Aba okay din,” ayon sa isang netizen.

“Walang mask pati face shield. Hindi sumusunod sa guidelines kaya tumatataas ‘yong kaso eh,” ang seryoso namang bitaw ng isa pa.

Samantala, kung susuriing mabuti, mukhang hindi aabot dito ang buko dahil base sa kanyang larawan, nasa China pa ang mga ito. Malamang nais lamang ni Danilo na mapagaan ang ating araw gawa ng sitwasyon natin ngayon.

Loading…