Higanteng iPhone ikinagulat ng mga netizens, lalaki ibinistong isang mesa lang pala ito

Imahe via Ryan Ballesteros | Facebook
  • Gulat na gulat ang mga netizens nang makita sa social media ang iPhone na halos singlaki na ng tao
  • Ipinost ito ng isang lalaki na nagpapicture rito habang kabubukas lamang nito sa kanyang lagayan
  • Subalit nilinaw kinalaunan ng lalaki na ito ay isang mesa lang pala na binili ng kanyang boss

Saan ka ba makakikita ng iPhone na halos sinlaki ng tao?

Imahe via Ryan Ballesteros | Facebook

Kung dumaan sa newsfeed mo sa Facebook ang larawang ito malamang ito ang unang pagkakataon na nakakita ka ng higanteng iPhone . Ang larawang ito ay kumalat sa social media dahil sino ba naman ang mag-aakalang may ganito pala na nabibili online.

Ang lalaking nasa larawan ay si Ryan Ballesteros ng Quirino Province. Ipinost niya ang imaheng ito kamakailan lang sa social media ngunit hindi niya inaasahang hahakot ito ng atensyon.

“Grave ka LAZADA… Kaya pala ang mahal.. kasi ang laki… Halos magkasinglaki na kami. Hayop. Paano ko na to maiba-bag? Paano na ako tatawag? LABAS MGA IPHONE LOVERS … PALAKIHAN PALA AH,” sabi niya sa kanyang post.

61k reactions, 11k comments at 49k shares lang naman ang inabot ng kanyang post kung saan karamihan ay nagulat din sa laki nito.

Ngunit para saan ba talaga ang “cellphone” na ito at bakit ganito siya kalaki?

Imahe via Ryan Ballesteros | Facebook

Sa panayam ng Philippine Star kay Ryan, ibinisto niyang pagmamay-ari ito ng kanyang boss na si Grazel Jean Respicio. At hindi pala ito isang cellphone kundi mesa na cellphone-inspired lang.

“Bale mesa lang po ‘yan. Nagulat din kami kasi andaming nag-share kasi parang totoo po kasi talaga,” paliwanag niya.

Ikinlaro ni Grazel na hindi ito “wrong item’ na hinala ng ibang netizens.  Ito ngayon ay inilagay sa silid ng kanyang walong taong gulang na anak.

Sa katunayan, gumawa pa ng vlog ang kanyang anak at matutunghayan ito rito.

?

Loading…