Ginang naglabas ng saloobin nang makita ang rider na natagalan sa paghihintay sa customer

Imahe via Clariss Glorio | Facebook
  • Nakita ng isang ginang na natagalan ang rider sa paghihintay sa labas ng bahay ng pinaghatiran ng order
  • Kaya naglabas siya ng saloobin sa social media at nanawagang magkaroon din ng konsiderasyon at malasakit sa mga riders

Hindi makararating sa atin ang mga orders kung wala ang mga masisipag na riders na sumusulong sa daan umulan man o umaraw.

Imahe via Clariss Glorio | Facebook

Ang pagdating nila ay inaabangan ng marami na sabik na sabik nang matanggap ang mga binili online. Ngunit sana all. Sana lahat may pag-unawa rin sa kanilang paghihintay sa labas ng bahay.

Ito kasi ang napansin ng isang ginang sa rider na nakita niyang nasa labas ng bahay habang naghihintay sa may-ari ng parcel.

“Naghhintay si kuyang rider sa gitna ng initan, hawak ang maliit na plastic bag kumakatok para pagbuksan siya. Ilang minuto nang nakalipas naghhintay pa rin siya,” kuwento ni Clariss sa Facebook.

Sinabi niyang malaki ang tulong ng mga online shops at mga riders na niri-risk ang buhay para hindi na tayo lumabas ngunit dahil sa nasaksihan niya sa rider na natagalan sa labas, sa ilalim ng sikat ng araw, may panawagan siya sa mga taong walang pagmamalasakit.

“Sana kung alam na COD maghanda ng saktong pera, makikita naman sa apps kung kailan ide-deliver yung order mo, so kung ngayon nakalagay at nag-message na sa’yo ang courier anticipate mo na anytime of the day pwede na i-deliver para makapaghanda ka.”

Sa ganitong paraan daw mapadadali ang trabaho ng mga riders dahil marami pa raw silang ibang paghahatiran.

Imahe via Pixabay

“Ano ba naman ‘yung ihanda mo na yung pambayad ahead of time para iabot na lang sa kanya. Imagine pipiktyuran ka pa niya bago siya umalis. Masuwerte na tayong nasa bahay lang hinihintay ‘yung mga kailangan natin, mga essentials sa buhay isama na natin ang lugaw.”

Nais niyang ipaunawa na may pamilya at anak din ang mga riders na umaasang sana’y maayos ang kanilang pagtatrabaho sa araw-araw.

“Kaya sana naman bukod sa maging mabait, magalang, matutong magpasalamat para maginhawa ang isip nila sa daan nang malayo sila sa kapahamakan ay magkaroon din tayo ng pagmamalasakit para sa kanila.”

Sana naman makahaplos ang panawagan ni Clariss sa mga nagpapahintay ng riders.  Paano n’yo sinisigurong hindi matatagalan ang rider sa labas ng inyong bahay?

Source :

Facebook

Loading…