Babaeng hindi pantay ang mukha hawak ang pag-asang maaayos pa ito

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook
  • Mula dalawang taong gulang, unti-unting nagbago ang kabilang mukha ng isang babae sa Bohol
  • Nang maibahagi ng KMJS ang kanyang kuwento, pinatingnan siya sa doktor
  • Ayon sa doktor, maaayos pa raw ang kanyang mukha na siya namang nagbigay ng bagong pag-asa sa kanya

Ibinahagi ng Kapuso Mo Jessica Soho ang kuwento ni Charene Treso, 18, ang babae sa Bohol na may “dalawang mukha”. Ang magandang balita, kaya pa raw itong maayos, ayon sa doktor.

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook

Inilapit ng programa ang kondisyon ni Charene kay Dr. George Byron Ferrer, isang plastic cosmetic at reconstructive surgeon.

Pinaniniwalaan ni Charene na ang pagkahulog niya sa hagdan noong dalawang taong gulang pa lamang siya ang naging dahilan ng unti-unting pagbabago ng kaliwa niyang pisngi. Subalit ayon kay Dr. Ferrer wala raw itong kinalaman sa nangyari sa kanyang mukha. Si Charene daw ay nagkaroon ng rare condition na progressive hemifacial atrophy o Romberg Disease at ito raw ay kaya pang ayusin sa tulong ng reconstructive surgery.

Kailangan lamang daw na huwag madaliin o antayin ang dulo ng pagkadi-distort ng mukha. Ibig sabihin, aantayin ang tamang panahon kung saan ito na ang sagad na pagbabago ng mukha para hindi na ito muling gagalaw matapos ayusin.

“Yon nga lang, malaking halaga ang kinakailangan para maisagawa ito. Maaaring gagastos si Charene ng mula Php500,000 hanggang isang milyong piso para sa operasyon, halagang hindi nila kayang pag-ipunan sa ngayon.

Natuwa si Charene sa pag-asang ibinalita ng doktor. At nang ipakita ng programa ang magiging itsura niya kapag pantay na ang magkabilang mukha, hindi niya mapigilang maging emosyonal.

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook

Halos 18 taong nang dala-dala ni Charene ang kanyang kondisyon. Dahil dito, tumigil na siya ng pag-aaral. Palagi kasi siyang kinukutya sa paaralan. Nagpo-post man siya sa social media, parating nakatago ang kabila niyang pisngi. At ang mga naka-meetup niya raw ay nanlalamig agad matapos silang magkita.

Ang tanging hiling ni Charene ngayon ay maayos ang mukha para sa kanyang mga pangarap.  Hindi man madali ang proseso patungo rito, ang posibilidad na magiging pantay ito ay nagbibigay sa kanya ng tuwa at pag-asa para mamuhay nang normal.

Panoorin dito ang episode ng KMJS.

Source :

Facebook

Loading…