Friendship nina Diego at Barbie, nauwi sa pag-iibigan dahil sa paglalaro ng Call of Duty

Images via Star Magic and Call of Duty
  • Bagama’t magkaibigan na noon pang 2018, sa paglalaro ng Call of Duty mas napalapit sa isa’t isa sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial
  • Ani Barbie, kahit sa online game ay talagang nararamdaman niya noon ang pagpapahalaga ni Diego sa kanya
  • Nitong Enero, ibinahagi ng dalawa sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon

Maaaring nilimitahan ng pandemya ang kilos at galaw ng marami–ngunit hindi ang samahan ng Kapamilya stars na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na mas lalo pang lumalim dahil sa paglalaro nila ng mobile game habang nasa ilalim ng malawakang community quarantine ang bansa.

Image via Call of Duty

Sa isang recent Star Magic vlog, ibinahagi nina Diego at Barbie na bagama’t magkaibigan na talaga silang dalawa noong 2018 pa lang, sa paglalaro ng Call of Duty sila mas napalapit sa isa’t isa. Kuwento ni Barbie, kahit sa paglalaro lamang ng nasabing online game ay talagang nararamdaman niya noon ang pagpapahalaga ni Diego sa kanya.

“Naglalaro kami ng Call of Duty, online game iyon, tapos itong si Diego palagi niya akong binibigyan ng plates,” natatawang wika ni Barbie habang binabalikan kung paano sila nagsimula ni Diego bilang magkaibigan. “Kasi dapat magiging selfish ka, e, sa plates, iyong armor na iyon kasi dapat para sa’yo ‘yon para hindi ka mamatay. Pero binibigay niya sa akin.”

Hanggang sa unti-unti pang lumalim ang ugnayan nila; mula sa pagkakaibigan ay nauwi ito sa isang relasyon at ngayon ay talaga namang masaya sa piling ng isa’t isa. At nitong Enero, ibinahagi na ng dalawa sa publiko ang pagiging magkasintahan nila.

Sa isang recent Instagram post, pinasalamatan ni Barbie si Diego sa walang humpay na pagpaparamdam nito ng kanyang halaga.

Image via @diegoloyzaga | Instagram

“Diego, thank you for your endless efforts. You were still able to do this kahit hindi tayo magkasama ’cause you have work,” saad ni Barbie sa caption ng mga litratong kuha sa sorpresa nito sa kanya. “Grabe ka, you always find a way to make me happy. Thank you for always making me happy and feel loved.”

Loading…