Imbes na ibenta o iuwi sa kanila, pulis ibinigay ang sariling bisikleta sa batang lalaki na nagtitinda ng gulay

Imahe via I Love PNP | Facebook
  • Ibinigay ng pulis sa batang nagtitinda ng gulay ang pagmamay-ari nitong bisikleta
  • Dati niya itong ginagamit bilang transportasyon papunta sa trabaho
  • Ngunit nang aalis na siya sa kanilang lugar, nagpasya siyang ipamigay ang bisikleta imbes na ibenta o iuwi ito sa kanila.

Isang batang naglalako ng gulay sa Rosario, La Union ang masuwerteng nabigyan ng bisikleta mula sa police trainee sa kanilang lugar.

Imahe via I Love PNP | Facebook

Ang bisikleta ay pag-aari ni Patrolman Joshua Ensano Dimaiwat. Binili niya ito upang mas mabilis siyang makarating sa kanilang tanggapan mula sa kanyang boarding house. Anim na buwan niya rin itong ginamit. Nang dumating ang panahon na kailangan na niyang lisanin ang lugar, naisip nitong ipamigay ang bisikleta imbes na ibenta ito o iuwi sa kanila.

Emosyonal ang batang si Gabriel noong araw na ibinigay sa kanya ang bike. Kasama nito ang ina na lubos ding nagpasalamat. Malaki ang maitutulong ng bisikleta upang mapagaan ang pagtitinda nito ng gulay at mas malawak ang mapupuntahan niyang lugar.

Hindi lamang iyan ang regalo ng pulis dahil naghandog din siya ng tulong pinansyal sa ina para pandagdag sa kanilang pangangailangan.

Good vibes ang hatid ng kuwentong ito ni Patrolman Dimaiwat sa mga netizens na ibinahagi ng I Love PNP FB page.

Imahe via I Love PNP | Facebook

Marami ang nagpaabot sa kanya ng kanilang reaksyon.

“Sir, Patrolman Joshua Ensano Dimaiwat lalo kang pagpalain ng Panginoon at ingatan saan ka man dako ma-assign . May God bless you, sir.”

Sir, salamat sa maganda mong ginawa. Pagpalain ka ng Diyos nawa’y malayo pa ang marating mo at saludo ako sa mga kagaya mo na matulungin sa kapwa, ramdam ang hirap ng kapwa!! God bless.”

Si Dimaiwat na tubong San Francisco, Iriga City ay police trainee ng Rosario PNP Statio. Siya baguhan na nagta-training sa Regional Training Center 1, Aringay, La Union at miyembro ng ALAB-BALASIK CLASS 2020-02 Aviation Group.

Kayo? May mga bagay ba kayong ipinamigay sa iba para mas gumaan ang buhay nila?

Source :

Facebook

Loading…