Mga aso malayang pinapapasok ng isang tindahan ng mga materyales sa konstruksyon

Imahe via Jeanyvee Ferrer | Facebook
  • Spotted sa isang home improvement at construction supplies retailer ang dalawang aso na malayang nakapapasok sa loob
  • Napansin ito ng isang netizen at ibinahagi sa social media ang mga larawang nakuha nito
  • Ang kuwento ay nagbigay ng good vibes sa mga mambabasa na nagpahayag naman ng pagsaludo at pagsuporta sa establisimyento

Nakaaawa ang mga asong gala na walang permanenteng silungan lalo na sa tuwing tirik ang araw. Mabuti na lang may mga establisimyento na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga asong gaya nito.

Imahe via Jeanyvee Ferrer | Facebook

Isa na rito ang Wilcon Depot sa Paranaque na sinaluduhan ng netizen na si Jeanyvee Ferrer. Ibinahagi niya sa grupong Aspin Lovers Philippines sa Facebook ang kanyang nadiskubre nang pumunta siya sa home improvement at construction supplies retailer.

“Nakakatuwa naman sa Wilcon Paranaque Branch. Hinahayaan nila yung mga dog na mag-stay sa loob para di mainitan sa labas,” kuwento niya.

Kasabay nito, dalawang larawan ang kanyang inupload kung saan makikita ang mga aso na nasa loob ng tindahan. Ang unang aso ay kulay kayummanggi na may itim na batik sa katawan at ito ay nakatayo sa display area ng mga tiles samantalang ang ikalawang aso ay nakahiga sa isang sulok.

Dagdag ni Jeanyvee,”Hindi ko na po natanong kung napapakain sila. If may extra dog food to share po kayo pede n’yo po siguro dalhin sa kanila.”

Ngunit kung pagmasdan ang kanilang pangangatawan, mukhang hindi naman sila napababayaan.

Imahe via Jeanyvee Ferrer | Facebook

Ang post na ito ay kumalat sa social media lalo na nang i-share ito ng maraming animal shelter at rescue groups.

Nakatanggap ng positibong puna at supporta ang Wilcon Depot dahil dito. Maraming netizens din ang nagkuwento na matagal na nila itong napapansin sa establisimyento.

“Yes mabait sila sa dogs. Went there months ago pa. Nakita ko mga dogs labas pasok sa Wilcon. Sabi ng guard, meron daw owner ‘yung mga dogs. Pumapasok lang mga dogs sa loob kapag mainit na and kusa din uuwi kapag maggagabi na. Sabi ko ang very good naman nila and ipagpatuloy lang nila ung gano’n. Kaya dun tayo bumili. I-patronize natin yung mga establishments na mababait sa animals.”

Napansin n’yo rin ba ito? Anong mga establisimyento pa ang napansin ninyong nagpapapasok ng aso sa loob?

Source :

Facebook

Loading…