‘Pangarap niya talaga ito’: Proud husband Chito ibinahagi ang tungkol sa bukid na binili ng kanyang ‘Wais na Misis’

Images from Chito Miranda | Facebook
  • Ibinahagi ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang tungkol sa bukid na binili ng kanyang misis na si Neri Naig-Miranda
  • Pag-amin ni Chito, noong una ay hindi siya gaanong sigurado dahil sa pangamba na baka mahirapan si Neri na hulugan ito
  • Ngunit muli ay ipinakita sa kanya ni Neri na walang imposible sa isang nangangarap
Nang sabihin sa kanya ng misis na si Neri Naig-Miranda ang tungkol sa lupa na nais nitong bilhin, nangamba ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na baka mahirapan ito na bayaran ang property.
Image from Chito Miranda | Facebook

Sa isang Facebook post, inamin ni Chito na noong una ay hindi siya gaanong sigurado sa binabalak ni Neri at ilang beses niya itong pinaalalahanan na pag-isipan muna ang gagawin nitong hakbang.

“Naaalala ko pa noong una niyang sinabi sa akin na balak niyang bilin iyong lupa sa likod ng resthouse namin. Initially, I was honestly unsure kung kaya nya bang bayaran ito and I kept on reminding her to really think about it first; aralin n’ya muna ‘yong financial capacity at capability niya at huwag siyang pabigla-bigla kasi ayokong mapasubo siya na tipong magda-down siya tapos ‘di na n’ya mababayaran ‘yong remaining amount. Ayokong ma-stress siya at mas lalong ayaw ko na mabaon siya sa utang,” wika niya.

Gayunman, sinabi raw ni Neri na pangarap niya talaga itong bilhin kaya naman ibubuhos niya ang lahat para matupad niya ang kanyang layunin. Dahil nakita niya kung gaano kadeterminado ang kabiyak, pinili niyang suportahan ito.

At hindi siya binigo ng tinatawag ng marami na “Wais na Misis”.

“Again, she showed me how it should be done: dream big, work hard, focus on your goals, and never give up. Last October, nakumpleto ni Neri ‘yong huling bayad sa may-ari and she got her farm. Bilib na bilib talaga ako,” saad ng proud husband.

Balak daw ni Neri na taniman ito ng mga gulay, tayuan ng kubo para maging bago nilang tambayan, at sa kalaunan ay bumili pa ng mga manok para makapag-harvest din ng mga itlog.

Image captured from Facebook
Source :

Facebook

Loading…