Nakapangingilabot: Pintuan ng CR na nagbubukas-sara kahit walang tao nabidyuhan

Imahe kuha mula sa video ni Agon Otniscal via Facebook
  • Gumagalaw ang pinto ng CR ng isang lalaki kahit walang tao sa loob
  • In-upload nito ang video sa social media at naglabas ng iba’t-ibang haka-haka ang mga netizens
  • May kababalaghan nga ba sa pangyayari? o maipaliliwanag ito ng siyensya?

Nakakita ka na ba ng pinto na nagbubukas-sara kahit walang tao? Ano kayang hiwaga ang bumabalot sa misteryosong pangyayaring ito?

Imahe kuha mula sa video ni Agon Otniscal via Facebook

Nabidyuhan ni Agon Otniscal at ng mga kasamahan nito sa bahay ang kanilang CR na ilang beses nagbubukas at nagsasara kahit walang tao sa loob. Wala ring hangin na pumapasok doon na kayang itulak nang ganon kalakas ang pinto. Nagtirik na sila ng kandila at dinasalan ito ng kanyang ama sa paniniwalang baka mga ispiritu ang gumawa nito.

Ramdam ang pangingilabot ng pamilya habang kinukuha ang video.

“Wala kaming kasalanan,” pagsusumamo ng isang kasamahan nila.

Ipinost ni Agon ang dalawang video na kuha niya sa Facebook at umani ito ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizens.

“May bata sa mismo loob ng cr. Nasa pader, wala sa yero. Tingnan n’yo maigi kahit wala kayong ano makikita n’yo. Medyo madumi yung bata. Parang nagpapapansin lang siya.”

“Just pray for them kung sino man sila para matahimik na ang souls nila. Amen.”

“There’s a scientific explanation about that. May malapit nang pintuan o may katapat nang bintana diyan? Kasi yung pinto ng CR ng friend ko kapag binubuksan yung front door, bumubukas yung pintuan ng CR.”

Nag-live si Agon para sagutin ang katanungan ng mga netizens at dito niya ikinuwento na ginagawa pa lang ang kanilang bahay at hindi pa tapos ang kanilang CR. Ipinakita niya rin ang loob ng palikuran. Wala itong bintana at wala pang kisame.

Imahe via Agon Otniscal | Facebook

Ikatlong araw na raw iyon na paullit-ulit na nangyayari. Nabanggit niya rin na isang araw na ang nakalipas mula nang anibersaryo ng pagyao ng kanyang lola. Sa ganoong floor din daw ng bahay yumao ang kanyang kuya.

Sa kasunod na update, in-upload niya ang mga ipinadalang larawan sa kanya ng mga viewers, kung saan binilugan nila ang mga kahinahinalang mukha.

Hanggang ngayon wala pa rin siyang kasagutan kung ano nga ba ang dahilan sa paggalaw ng pinto ng kanilang CR.

Sa tingin ninyo, ano kaya ang nagdulot nito?

Panoorin dito ang kanyang video.

Loading…