Litrato ng mga pulis na tumutulong sa isang bata na sumagot ng module, umantig ng maraming puso

Image from Diana Beldosola | Facebook
  • Naantig ang maraming social media users matapos ibahagi ng isang ina ang larawan ng mga pulis na tumutulong sa kanyang mga anak sa pagsagot ng module
  • Sa Facebook, pinasalamatan ni Diana Beldosola ang mga pulis na rumoronda sa kanilang lugar sa Malinta
  • Makikita sa larawan ang dalawang alagad ng batas na matiyagang gumagabay sa batang mag-aaral

Sa pagpapatupad lamang ba ng batas maaasahan ang mga miyembro ng kapulisan? Para sa mga pulis na rumoronda sa isang lugar sa Malinta, hindi lamang nakalimita sa pagpapanatili ng kaayusan ang kanilang papel sa mga taong nasa lugar na kanilang nasasakupan.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, pinasalamatan ni Diana Beldosola ang mga pulis na naglalaan ng oras para huminto saglit sa kanila at tulungan ang kanilang mga anak sa pagsagot ng module. Aniya, malaking bagay sa kanya ang ginagawang paggabay ng mga ito sa mga estudyante nilang supling.

“Sa mga police officer ng Malinta na laging pabalik-balik dito, mga sir, maraming salamat po sa inyo kasi tinutulungan n’yo po ang mga anak namin sa pagsasagot ng module. Mga sir, salamat at mabuhay po kayo,” saad niya sa caption ng larawan kung saan makikita ang dalawang alagad ng batas na matiyagang tinutulungan ang batang mag-aaral.

Nagbigay-pugay sa mga police officer ang maraming social media users; humihiling na sana ay marami pang katulad nila na may malasakit sa mga mamamayan na nasa area nila.

“Wow! Sana lahat ng mga police officer,” kumento ng Facebook user na si Marilyn Grado Salang Beldosola.  “Saludo po ako sa inyo, mga sir!”

“Sana ganito lahat ng officers,” wika ng netizen na si Elbern Charles Roque.

“Marami pa rin mababait na police officer,” ani Jericho Pille. “I salute you po, mga sir. Ingat palagi and God bless you.”

Hiling naman ni Jacusalem Yu Hazel, “Sana matulungan din ang mga anak ko. Nahihirapan na po talaga ako, e. Dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral, mahirap talaga.”

Image from Diana Beldosola | Facebook
Source :

Facebook

Loading…