‘Mobile free store’ ng isang religious group namigay ng essential items sa mga junk collectors sa Marikina

Images captured from Rosheniryl Alquiroz's video | Facebook
  • Nagdala ng tuwa at pag-asa sa mga junk collectors sa Marikina City ang isang religious group
  • Sa pamamagitan ng kanilang MCGI Mobile Free Store, namigay ng essential items ang Members Church of God International sa mga higit na nangangailangan
  • Marami na ring natulungan ang MCGI Free Store sa iba’t ibang lugar sa bansa, lungsod man o probinsya.

Sa pamamagitan ng isang “mobile free store”, naghatid ng tuwa at pag-asa sa mga junk collectors sa Marikina City ang religious group na Members Church of God International (MCGI).

I-click ang larawan para mapanood ang video.

Sa Facebook, ibinahagi ng social media user na si Rosheniryl Alquiroz ang isang video kung saan makikita ang mga nangangalakal na nakapila sa isang kalye sa Parang, Marikina habang hinihintay ang kanilang pagkakataon na makakuha ng mga bagay na kailangan nila sa nasabing tindahan. Dala ang kanilang mga lalagyan, isa-isa silang namili mula sa essential items na matatagpuan sa mobile store. Bakas sa kanilang mga mukha ang saya at pananabik na maiuwi ang mga ito sa kanya-kanya nilang tahanan.

“We are very thankful to help you all. Salamat po sa Dios dahil naging isang paraan kami upang makatulong at maging isang rason sa inyong mga ngiti,” saad ng grupo. “Sa Dios ang lahat ng karangalan at kapurihan magpakailanman.”

Kabilang sa mga natulungan ng free store ang isang matandang nangangalakal na hindi na napigilan pa ang sarili na maiyak matapos makakuha ng mga essential items para sa kanyang pamilya.

“Naiiyak ako,” saad niya habang pinipigilan ang luha na hindi rin nagtagal at tuluyan nang pumatak. “Nagpapasalamat po ako. Malaking tulong na po sa amin. Maraming-marami salamat po.”

Images captured from Rosheniryl Alquiroz’s video | Facebook

Bukod sa mga nangangailangan sa Marikina City, marami na rin natulungan ang MCGI Free Store sa iba’t ibang lugar sa bansa, lungsod man o probinsya. Ang mga ipinamimigay ng nasabing free store ay mula mga donasyong naipon mula sa mga parte ng nasabing grupo.

Loading…