Sharon Cuneta pinasalamatan ng drayber na naninilbihan sa kanya ng 35 taon na

Imahe via Sharon Cuneta | Facebook
  • Nakatanggap si Sharon Cuneta ng pasasalamat mula sa kanyang drayber sa ika-35 na taong paninilbihan nito
  • Pinuri nito ang Megastar dahil sa kabaitan nito sa kanya at sa kanyang pamilya
  • Nagpasalamat din ang Megastar dahil sa tapat na pagseserbisyo nito sa kanya

35 taon nang naninilbihan kay Sharon Cuneta ang kanyang drayber at sa pagkakataong ito ay nakatanggap siya ng pasasalamat na siya namang ibinahagi ng megastar sa kanyang FB page.

Imahe via Sharon Cuneta | Facebook

Ayon kay Sharon, umaga pa lang ay naging emosyonal na siya dahil sa mensahe ng kanyang drayber.

“I am very grateful to be part of your journey as one of the most respected actress in the country. You are very kind and never change through the years regardless of what you’ve become. I have witnessed how genuine and strong you are over the years, as a wife, as a mother and as a woman.

Thank you ma’am for opening your doors to me,” mensahe ng drayber niyang si Nelson.

Kasama sa mensaheng ito ang isang larawan na kuha pa umano noong 1986. Dagdag pa ni Nelson ang larawang iyon ay isang buhay na testamento ng kabaitan ng Megastar sa kanya at kanyang pamilya.

Tumugon naman si Sharon sa madamdaming mensahe ni Nelson.

“Thanks so much, Dodong, sa walang humpay at tapat mong pag-alaga sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Napakadami na nating napagdaanan at di mo ako iniwan o pinabayaan. Mahal na mahal kita at ang pamilya mo!”

Si Nelson ay nagtrabaho sa kanila mula pa noong Marso 1986 hanggang sa kasalukuyan.

Imahe via Sharon Cuneta | Facebook

Humirit pa ng biro si Sharon.

“Driver po siya ng Papi ng panganay kong anak. Nung naghiwalay kami, sa akin siya sumama. Parang tama naman ang desisyon mo, Dong, ano?!”

Ayon sa mga netizens, maaaring maganda ang pakikitungo ni Sharon sa kanya kung kaya’t nagtagal ito sa kanyang pinagtatrabahuan nang ilang dekada na.

Bukod sa drayber, ang yaya Loring ni Sharon ay matagal ding nanilbihan sa kanya na umabot ng 40 taon. Siya ang naging pinakasikat na yaya sa buong bansa dahil umextra din siya sa mga pelikula at TV commercials ng aktres.

Loading…