Aso tumatalon-talon sa online class para magpapansin sa amo

Imahe kuha mula sa video ni Bhongga Mateo via Facebook
  • Kumalat sa social media ang asong tumatalon-talon upang makita ang kanyang mukha sa video
  • Nangungulit daw kasi siya sa kanyang amo na maglaro ngunit hindi ito puwede dahil abala ang amo sa online class
  • Kaya naglululundag ang aso upang magpapansin na siya namang kinaaliwan ng mga netizens

Maraming hamon ang pagkakaroon ng online class habang nasa bahay. Isa na riyan ang ingay na mahirap iwasan at mga kapamilya na maaaring mang-abala sa iyo kapag may kailangan.

Imahe kuha mula sa video ni Bhongga Mateo via Facebook

Subalit kung ganito ba naman ang gustong makisali sa iyong online class, mukhang mas marami pa ang matutuwa kaysa maiinis.

Ibinahagi ni Bhongga Mateo ang video sa Dog Lovers Philippines kung saan umaattend ng online class ang anak niyang si Kyla.  Ngunit habang seryoso ang anak na nakatutok sa screen bigla na lang may asong naglululundag sa kanyang tabi.

Pasulyap-sulyap kung tingnan sa kaliwang bahagi ng anak ang asong si Luwi. Sa bawat lundag nito, nakangiti pa siya habang nakikita ang mukha sa screen. Nakagigigil nga naman sa kakyutan. Kapag nakatigil si Luwi, ang kumakawag  niyang buntot naman ang nakikita.

Sa panayam ng Kicker Daily sa ina, unang beses daw itong ginawa ni Luwi dahil hindi siya pinapansin ni Kyla.

“Yes first time. Kinukulit niya kasi ang anak ko maglaro sila. ‘Di siya pinapansin ng anak ko kasi nga may online class siya kaya gano’n ginawa ni Luwi nagpapansin na lang.”

Samantala, dalawa pang aso ang nakikita sa likod na ‘di man lang natinag sa pagpapapansin ni Luwi dahil abala silng kumakain. Ang itim na aso ang siyang nanay ni Luwi samantalanag kapatid naman ng kanyang nanay ang isa.

Imahe via Kyla Tracie Blimline | Facebook

Viral agad ang video ng dalawa, Ito ay mayroong 13k reactions, 1k comments at 3.9k shares. Ang ginawang pagpapa-cute ni Luwi ay kinaaliwan ng mga netizens na nakapanood. Ibinida rin ng iba ang mga alaga nilang singkulit nito.

“Buti pa yung 2, snack happily ever after. Tapos yung isa balak ata mag artista or palitan si teacher. Nyahaha. Ganyan din kakulit bunso ko. Lahat na lang nginangatngat pag sinasaway, mananahol pa.”

Sa tindi ng mga pangyayari sa panahon ngayon, ito na yata ang kailangan nating makita para maibsan ang bigat ng ating nararamdaman. Hindi lang pala man’s best friend ang mga aso kundi magaling din silang magbigay ng good vibes.

Narito ang nakatutuwang video ni Luwi. I-click lamang ang imahe sa ibaba.

 

Source :

Facebook

Loading…